22/10/2014
magbarkada kami. di ko naman masasabi na close kami kasi sa text lang kami nakakapagusap hanggang sa dumating yong time na nagkagusto ako sakaniya. yong simpleng text lang niya kinikilig na ako. kahit nga gm lang yon nagpapaload ako para lang mareply siya. nung una wala pang problema kasi pinipilit ko talagang itago sakaniya. nakakahiya naman kasi kung kababae kong tao tapos aamin ako sakaniya pero nalaman pa rin niya. siguro dahil masiyado na akong obvious. at dahil nga alam na niyang gusto ko siya bigla na lang nagbago ang lahat. hindi ko alam kung pakiramdam ko lang un pero un talaga napansin ko e. nakakamiss lang yong dati. yong dati na inaasar niya ko na type ko daw siya tapos ako naman tong todo deny pero deep inside kinikilig na. im just hoping na sana makalimutan ko na tong feelings ko for him kasi alam ko namang walang patutunguhan. sana lagi siyang maging happy :)
-unknown