CASTE CRIM - Saint Louis College

CASTE CRIM - Saint Louis College Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CASTE CRIM - Saint Louis College, College & University, Saint Louis College/Carlatan, San Fernando.

The Official page of the Independent Student Body of CASTE CRIM - Saint Louis College, San Fernando City, La Union ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™



๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฑ | ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€™ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ“šBehind every constructor building championship cars and every driver tak...
05/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฑ | ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€™ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ“š

Behind every constructor building championship cars and every driver taking the peak of the podium was a teacher who believed in them first.

From September 5 to October 5, we celebrate National Teachers' Monthโ€”a time to honor the educators who lay the foundation for every success story.

Long before the glorious trophy lifts and amazing victory laps, there were teachers pushing young minds to aim higher and encouraging hearts to ablaze their dreams; they are the real pit crew of lifeโ€”working behind the scenes to make sure we're built to win.

This month, letโ€™s give a warm salute to the ultimate mentors who guide us through every lap.

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™


โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Words by Jules Visico
Layout by Ace Balatero

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ, ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—ก๐—ฆ! ๐ŸŽ„โœจ๐ŸฌWake up, wake up, wake up! Itโ€™s the first of the month! Oo, September na! Malapit na ang P...
31/08/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ, ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—ก๐—ฆ! ๐ŸŽ„โœจ๐Ÿฌ

Wake up, wake up, wake up! Itโ€™s the first of the month! Oo, September na! Malapit na ang Paskoโ€ฆ pero โ€˜yung hinihintay mong tao, may hinihintay din palang iba.

New month, new beginnings, new goalsโ€ฆ pero same old problems. At least may Christmas lights na para mas maliwanag ang mga red flags.

From rainy days to sunny ways, September is here! May this month bring brighter days, lighter hearts, and a little Christmas cheer!

New month. New goals. Same Dolphins, same chaos, same unstoppable spirit.

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™






Words by Keanne Nonan
Layout by Gabriel Rivera

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฏ๐Ÿญ | ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ โš”๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญIsang pugay sa mga nagbuwis ng buhay noon at sa mga patuloy na lumalaban ngayonโ€”para ...
31/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฏ๐Ÿญ | ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ โš”๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Isang pugay sa mga nagbuwis ng buhay noon at sa mga patuloy na lumalaban ngayonโ€”para sa mga naglaan at naglalaan ng dugo, pawis, at luha para sa ikabubuti ng iba at ng karamihan.

Ang araw na ito ay hindi para lamang sa mga pangalang habambuhay na nakalimbag sa mga aklat ng kasaysayan tulad ni Rizal, Bonifacio, at Mabiniโ€”ito ay nakalaan din para sa mga hindi tinanyagan ngunit hindi matawaran ang kanilang pagpupunyagi at pagtaya. Ito ang ating mga OFW, g**o, manggagawa, at frontliners na araw-araw nagtataguyod ng lipunang ating ginagalawan.

Sa ating paggunita, nawaโ€™y maging hamon sa bawat isa sa atin ang kanilang ipinakitang pagmamahal sa bayan. Hindi kailangang masawi upang maging bayani, sapagkat sapat na ang maging tapat.

Dolphins, sino ang bayani sa buhay mo ngayon?

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™


โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Sulat ni Jules Visico
Lapat ni Gabriel Rivera

๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜ ๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ง๐—˜๐—”๐— ... ๐—”๐—ก๐—ข, ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”? ๐ŸŽ๏ธโš™๏ธ Sa bawat matagumpay na karera, may isang koponang sama-samang kumikilos. Ngayon, ...
28/08/2026

๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜ ๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ง๐—˜๐—”๐— ... ๐—”๐—ก๐—ข, ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—”? ๐ŸŽ๏ธโš™๏ธ

Sa bawat matagumpay na karera, may isang koponang sama-samang kumikilos.

Ngayon, inaanyayahan ng CASTE CRIM ang mga talentadong Dolphin na maging bahagi ng CASTE CRIM PIT TEAM bilang:

โ€ข Event Manager
โ€ข Documentation Committee
โ€ข Arts and Design Committee
โ€ข Layout Committee
โ€ข Graphic Artist
โ€ข Writers
โ€ข Gender and Development Committee

Higit pa sa paglikha ng outputs, ito ay isang pagkakataong matuto, malinang ang iyong talento, at makaranas ng mga training na maghahanda sa iyo hindi lamang sa loob ng paaralan, kundi maging sa mga susunod pang yugto ng iyong paglalakbay.

At higit sa lahat, ito ay isang pagsasamang higit pa sa pagiging magkakatrabahoโ€”isang pagkakaibigang maraming ala-alang mabubuo at isang pagsasamang hindi matitinag at hindi matitibag ninuman.

Handa ka na bang maging parte ng koponan? Ang susunod na karera ay magiging matagumpay dahil sa'yo, Dolphin!

Maraming salamat sa pag-interest at suporta! Unfortunately, sarado na po ang registration. Pasensya na po sa abala, at sana makasama namin kayo sa mga susunod nating event!

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™






Sulat ni Stephon Ramos
Lapat ni Ace Balatero

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฐ | ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—›๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—ข๐—ก๐—š โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐——๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—ก ๐ŸŽ๏ธ๐ŸฌโœจWalang ka-atras-atras at full tank na full ta...
25/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฐ | ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—›๐—œ๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—•๐—ข๐—ก๐—š โ€˜๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐——๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—ก ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿฌโœจ

Walang ka-atras-atras at full tank na full tank ang enerhiyang ipinamalas ng bagong CASTE CRIM Dolphins sa kanilang pagdalo sa Freshielubong 2026!

Bitbit ang pagkasabik sa sayang dala nito, umaabanteโ€™t umaariba sa paglahok ang ibaโ€™t-ibang mga programa ng departamento sa anumang bahagi ng pagdiriwangโ€”mapa-sayawan, sagutan, hiyawan, at higit sa lahat, sa bardagulan!

Muli ring tinampok ng departamento ang patuloy na pinagkakaguluhang CASTE CRIM F1deration Booth. Kung saan marami pang nakapagsubok ng Formula 1 Simulator at nagwagi sa Push to Prize.

Sa ngalan ng CASTE CRIM Council, lubos naming hinahatid ang pasasalamat sa malugod ninyong pakikiisa at pakikisali!

โ€ŽDahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Sulat ni Jules Visico
Kuha nina Stephon Ramos, Jules Visico, Ace Balatero, Andrey Abenes

๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜ ๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—™๐Ÿญ๐——๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—•๐—ข๐—ข๐—ง๐—› | ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐Ÿญ ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ’จ๐ŸฌDinumog at dinagsa ng mga bagong mag-aaral mula sa ibaโ€™t-ibang departamento ang...
23/08/2026

๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜ ๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—™๐Ÿญ๐——๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—•๐—ข๐—ข๐—ง๐—› | ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐Ÿญ ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ’จ๐Ÿฌ

Dinumog at dinagsa ng mga bagong mag-aaral mula sa ibaโ€™t-ibang departamento ang unang pagragasa ng CASTE CRIM F1deration Booth sa ginanap na oryentasyon ng National Service Training Program (NSTP) kahapon, August 22.

Tampok sa nasabing booth ang mga nakakatuwang laro tulad Formula 1 Driving Simulator at Push to Prize, kung saan maraming bagong estudyante ang nalibang at nag-uwi ng mga samuโ€™t-saring papremyo.

Mga bagong mag-aaral na Louisian, lalo na ang mga bagong pasok na Dolphins, subaybayan at makiisa sa kasiyahang hatid ng CASTE CRIM F1deration Booth sa paparating na linggo ng Freshielubong!

โ€˜Wag kayong mag-alala at mahiya, libre lang sumali! Freshies, ano? Tara?

โ€ŽDahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Sulat ni Jules Visico
Kuha nina Stephon Ramos, Ace Balatero, Jules Visico, Justin Reyes, Andrey Abenes, Clarence Germino, Brent Bunoan, Alje Orpia, Gabriel Rivera, Primrose Vendiola

๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฎ โ ๐—ฉ๐—ฅ๐—ข๐—ข๐— , ๐—ฉ๐—ฅ๐—ข๐—ข๐— . ๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜-๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—•๐—ข๐—ข๐—ง๐—›!Dolphins, eto na ang pinakahihintay ninyo! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿฌ๐ŸNgayong ...
22/08/2026

๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฎ โ ๐—ฉ๐—ฅ๐—ข๐—ข๐— , ๐—ฉ๐—ฅ๐—ข๐—ข๐— . ๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜-๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐—•๐—ข๐—ข๐—ง๐—›!

Dolphins, eto na ang pinakahihintay ninyo! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿฌ๐Ÿ

Ngayong araw, kasabay ng NSTP Orientation, opisyal nang nagbubukas ang CASTE-CRIM Booth para sa mga estudyante ng Kolehiyo ng San Luis!

Mula sa simpleng pinagtagpi-tagping karton, mga pagaspas ng pintura, at pagsasabuhay ng imahinasyon, matagumpay na nabuo ng konseho at mga volunteer ng CASTE-CRIM ang booth na inihahandog para sa ating mga estudyante.

Handa na rin ang iba't ibang palaro at ang natatanging driving simulator na siguradong magbibigay ng saya at excitement sa mga gustong tumambay, makilahok, at makisalamuha sa booth.

Matatagpuan ang CASTE-CRIM Booth sa tapat ng College Student Council Office, katabi ng Fr. Burgos Gymnasium.

Mananatiling bukas at present ang CASTE-CRIM Booth hanggang sa Freshielubong sa susunod na linggo, kung saan muli nating sasalubungin ang ating mga incoming first-year at bagong estudyante ng taong-akademiko 2026โ€“2027.

Ang booth ay magsisilbing atraksyon upang ipakilala ang tema ng CASTE-CRIM F1DERATION o โ€œC1โ€ sa mga freshies na Dolphins at sa iba pang departamento.

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™






Sulat ni Gabriel Rivera
Kuha ni Ace Balatero

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿญ | ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ ๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโ€œThe Filipino is worth dying for.โ€ โ€” Sen. Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr.Ngayong araw, mu...
21/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿญ | ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—œ ๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข๐ŸŽ—๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โ€œThe Filipino is worth dying for.โ€ โ€” Sen. Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr.

Ngayong araw, muling ginugunita ang kanyang pagkapaslang at ating balikan ang kanyang iniwang liwanag para sa pagkamulat ng karamihan tungo sa paglaban at pagtanggol ng ating demokrasya.

Ang kanyang pagpapakasakit 43 taong nagdaan ay hindi lamang isang makabuluhang bahagi ng ating kasaysayan kundi ito ay isang testamento ng paninindiganโ€”sa kabila ng mga bantaโ€™t panganib, pinili niyang balikang tumayo sa lupang tinubuan.

Kaya naman, huwag lamang nating alalahanin ang kanyang buhay na nawala kundi ang bumuhay na ideyang kanyang ikinatha.

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™


โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Sulat ni Jules Visico
Lapat ni Primrose Vendiola

19/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ก๐——๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฅ๐—”! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿโš™๏ธ

Sa bawat gupit, pintura, at binubuong detalye, sama-samang kumikilos ang CASTE-CRIM Council at volunteers!

Bawat isa ay may ambag, bawat gawain ay bahagi ng iisang planoโ€”dahil mas malakas ang isang koponan kapag sama-sama!

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™





Sulat ni Stephon Ramos
Pinatnugutan ni Ace Balatero
Kuha nina Ace Balatero, Stephon Ramos, Ley Nisperos

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ โ ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜-๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐——๐—˜๐—ฃ๐—งโ€™๐—Ÿ ๐—•๐—ข๐—ข๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ก๐—”; ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐Ÿญ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐Ÿฌ๐Ÿ”จ๐ŸชงNagsimula noong ika-15 ng Agosto, ang ...
15/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฑ โ ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜-๐—–๐—ฅ๐—œ๐—  ๐——๐—˜๐—ฃ๐—งโ€™๐—Ÿ ๐—•๐—ข๐—ข๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ก๐—”; ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐Ÿญ ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐Ÿฌ๐Ÿ”จ๐Ÿชง

Nagsimula noong ika-15 ng Agosto, ang mga student-leader at student-volunteer mula sa AFLE, FEO, SITS, SPEAR, at TOP ay nagbuhos ng oras at lakas upang simulan ang pagtatayo ng kanilang departmental booth.

Bitbit ang mga glue gun, karton, at malikhaing ideya, nakilahok ang bawat isa sa pagbuo ng mga dekorasyong hango sa tulin at garbo ng Formula 1.

Layunin ng nasabing tema na ipakita ang bilis, talas, at pagkakaisa ng departamento sa darating na pagsalubong sa mga freshman ng Kolehiyo ng San Luis sa susunod na Linggo, Agosto 19.

Dahil tayo ay isang koponan, may iisang layunin, sama-sama sa karera, CASTE-CRIM Angat ang Bandera! ๐ŸŽ๏ธ๐Ÿ๐Ÿ’™





โ€Ž
Sulat ni Gabriel Rivera
Kuha ni Stephon Ramos, Jonathan Nones

Address

Saint Louis College/Carlatan
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CASTE CRIM - Saint Louis College posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to CASTE CRIM - Saint Louis College:

Shortcuts

Share