20/02/2023
FRATERNITY FACTS 101 (Initiation)
PAANO NGA BA KAMI NAGPAPALUAN?
1.Ginaganap ito sa Frat house hindi kung saan saan lang....
2.Presence lahat ng Official ng Fraternity from Grand Chancellor (President,Supreme Fellow,GT) hanggang sa pinakamababang posisyon sa Frat..
Minsan may Adviser at Alumni na Present.
3.Bago pa lang ang date ng initiation iniinform na ang mga neophytes...Para maprepare sila not only physically but also mentally
4. Strict rules ang sinunod ayon sa BY LAWS, Constitution, Or Tenets ng Fraternity..
e.g.
1. Bawal ang Nakainom (dahil ito'y isang sagradong ritwal)
2. Dapat present ang ninong mo (yung nagrecruit sayo dahil siya ang may responsibility sayo sa Fraternity)
Pero over all responsibility is sa Grand Chancellor dahil ikaw ang namumuno so kargo mo ang safety ng Neophytes
5. May Tamang Bilang ang palo depende sa nakasaad sa by laws, constitution or tenets ng Fraternity na sasalihan mo.
Sample na lang 10 Minimum..Max 20...na nahahati sa Half Swing saka Full Swing Or Salo...
a.Half Swing- Kalahating Pwersa na palo
b.Full Swing- Buong pwersang na Palo
c.Salo- Sasalohin ka ng ninong mo or ibang member para mabawasan ang bigat.
6.Sa Likod lang ng Hita ang palo hindi masyado mataas at hindi rin mababa dapat sakto lang..Bawal sa Kamay, braso, tuhod, Kung saan saan at lalong lalo na sa ulo...
7. Bawat Palo mo kinakabisado mo ang bawat Letra ng Fraternity niyo...na may katumbas na meaning or Values..
Kaya ka pinapalo at habang pinapalo ka kinakabisado mo ang creed, values at history ng Fraternity para habang buhay mong matandaan.Namnamin mo ang sakit para di mo makalimutan
at dumating man ang mahabang panahon di mo makalimutan at lagi mong isasabuhay ang tinuro sayo ng Fraternity.
Dahil ang Fraternity parang yan ang ama at ina mo...pag sasabihan, pangangaralan ka at papaluin pag may nakalimutan at nagawa kang mali.
Ang Palo din ang magpapaalala sayo na lahat ng papasukin mo at tatahakin mo sa mundong ito ay hindi magiging madali.Kaya nga pag naginitiation tayomay isang brod na sumasalo sayo
Para paalala din sayo na hindi ka nag iisa at may tutulong sayo sa oras na madapa ka...
8. Time interval- pag di kaya huminto, pag napagod puwedeng magpahinga.Ok lang tawagin na mahina at least hindi umaayaw..BOMBA LANG
9. PWEDE MAG QUIT pag di talaga kaya- Pero pag nag simula kang umayaw,tuloy tuloy na yan..QUITER will always be a quiter..
Walang pilitan dito..walang harassment..pag hinarass ka hindi Fraternity yun..Gang Yun
Pinagdaanan ko ito at ng iba pang milyong milyong mga Fratmen sa Mundo...Pero ito Buhay naman tayo...Walang Problema sa Hazing natin ang problema yung ibang Fratmen na may hawak ng Paddle.
Pero dahil may bago ng batas sa Anti Hazing Law at mas mabigat na Parusa...
Wag na tayong mag Hazing...Maging ADVANCE KAYO MAGISIP at baka pa tayo makulong..WALA NA FINISH NA..
-AdminM5