05/10/2025
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ผ: ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐น๐ถ๐ฑ-๐๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป
โMaโam, nag-aaway po sinaโโ
โSir, may nagsusuntukan poโโ
โClass, pass your paper!โ
โGet one whole sheet of paper.โ
โMaโam, one whole?โ
Pamilyar ba? Mga linyang araw-araw nating naririnig sa paaralan. Ngunit kapag sumapit ang โAraw ng mga G**o,โ tila nagbabago ang himig ng bawat sulok ng silid-aralan. Ang mga kulay sa pader ay parang damdaming hindi kayang itago ng mga mag-aaralโmasigla, taos-puso, at puno ng pasasalamat.
Sa bawat paaralan, lihim na gumigising ang sigla ng mga estudyante. Marahang sumasayaw ang mga banderitas sa ihip ng hangin, โmga liham ng pasasalamat โ ang dumarating na tila bulong ng puso, at mga bulaklak ang nagiging sagisag ng pagyabong ng kaalaman.
Sa araw na ito, humihinto muna ang ingay ng leksyon at pagsusulit. Ang entabladoโy nagiging saksi sa mga pagtatanghalโawit, tula, sayawโmga handog na walang halong pag-aalinlangan, lahat ay alay sa mga gurong patuloy na nagliliwanag sa dilim ng kamangmangan.
Hindi man masuklian ngโ kayamananโ ang kanilang pagod, sapat na ang isang ngiti, isang yakap, at isang โsalamat poโ upang ipadama ang tunay na halaga ng kanilang sakripisyo. Sapagkat sa likod ng bawat โmatagumpay na mag-aaralโ ay isang gurong nagtiyaga, umunawa, at naniwala.
Sa kanilang mga kamayโ isinilang ang mga pangarap ng kabataanโโat sa โliwanag ng kanilang pagtuturo, patuloy na sisinag ang kinabukasan ng bayanโ. Huwag sana nating kalimutan: โang tunay na bayaniโ ay hindi laging may espada o medalya. Minsan, hawak nila ay โchalk,โ โlesson plan,โ at โ pusong handang magbigay liwanag sa iba.โ
Maligayang Araw ng mga G**o! ๐ฉโ๐ซโจ
โ๏ธClarissa Jean Asuncion
๐ป Lotis Key Gaspi & Kathleen Faye F. Mejia