15/04/2025
MALIGAYANG PAGBATI NG BUWAN NG PANITIKAN 2025!
Matagumpay na ipinagdiwang ang Buwan ng Panitikan 2025 na may temang Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran” na isinagawa noong ika-11 ng Abril sa Gusaling Agoncillo, OMSC - Main, Labangan Campus. Kabilang dito ang pagsagawa ng Seminar-Worksyap sa mga “Mga Karunungang Bayan at Kuwentong Bayan ng Occidental Mindoro: Isang Pagsilip Tungo sa Paglago ng Kulturang Mindoreño”. Sa pangunguna ni Gng. Feliciana D. Enriquez, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), katuwang ang mga mag-aaral mula sa SAMFIKO (Samahan ng mga Mag-aaral ng Filipino sa Kolehiyo), at ang lahat ng mga mag-aaral na dumalo sa gawain.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan, ating balikan at pahalagahan ang mayamang pamana ng ating mga makata, manunulat, at alagad ng sining na patuloy na nagbibigay tinig sa ating kasaysayan, kultura, at pagkatao. Sa bawat tula, kwento, dula, at sanaysay, isinasalaysay ang ating mga pangarap, pakikibaka, at pagmamahal sa bayan. Higit sa aliw, ang panitikan ay nagsisilbing tulay sa pag-unawa sa ating pinagmulan at gabay sa pagtataguyod ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa panahong puno ng pagbabago, manatili tayong nakakapit sa ating panitikang sariling atin—sapagkat dito tayo tunay na nagkakaisa.
Ipinaaabot ng SWK at SAMFIKO ang pasasalamat sa lahat ng mga dumalo. Pagbati!