10/04/2026
Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ika-18 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng ating mga kapatid sa Batangas Varsitarian San Juan Chapter. Sa loob ng mga nagdaang taon, patuloy ninyong pinatunayan ang tunay na diwa ng pagkakapatiran, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.
Hindi namin malilimutan ang inyong naging pakikiisa at pakikipagtulungan sa mga gawain para sa bayan ng San Juan. Kayo ay naging katuwang namin sa paglilingkod sa komunidad, isang patunay na ang inyong samahan ay hindi lamang para sa sarili kundi para sa mas nakararami.
Nawa’y magpatuloy pa ang inyong adhikain, lalo pang tumibay ang inyong samahan, at mas marami pa kayong magawang kabutihan sa mga susunod na taon. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at pagkakaisa.
Mabuhay kayo! Taos-pusong pagbati mula sa Tau Gamma Phi San Juan Municipal Council.