03/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | World Press Freedom Day: Laban ng Mamamahayag, Laban ng Sambayanan
Tuwing ika-3 ng Mayo, ginugunita ang World Press Freedom Dayโisang araw na hindi lamang nakalaan sa pagdiriwang ng malayang pamamahayag, kundi isang tahimik at matinding paalala ng mga panganib, sakripisyo, at paninindigan ng mga mamamahayag sa buong mundo. Isa sa mga mahahalagang gampanin ng mga mamamahayag ay ang mag-ulat ng katotohanan na ang kapalit ay panganib sa kanilang sariling kaligtasan. Ang mga mamamahayag ay nagsisilbing mga mata at tenga ng masa upang isiwalat ang maling kilos at masamang intensyon ng mga nahalal sa puwesto. Ang kanilang pagdinig sa hinaing ng bayan at ang kanilang pagkilos upang ito ay ipagsigawan para mabigyan ng aksyon at solusyon. Sa likod ng bawat balitang ating nababasa, napapanood, o napapakinggan, may isang mamamahayag na naglaan ng oras, lakas, at minsan, sariling kaligtasan. Hindi biro ang paghabol sa istoryaโmga gabing walang tulog, mga lugar na puno ng tensyon, at mga boses na kailangang isalba mula sa katahimikan. Ang pagiging mamamahayag ay hindi lamang propesyon; ito ay isang panata.
Ang selebrasyon na ito ay pagtaas ng mga karatula bilang pagbibigay-pugay at respeto sa mga mamamahayag na nagsilbi sa bayan, sa mga nasawi dahil sa pagprotekta sa bayan, at sa mga patuloy na tumitindig upang ipaglaban ang karapatan ng mga mamamayan. Ang kanilang panulat ay hindi lamang tinta sa papelโito ay sandata laban sa kasinungalingan. Ang kanilang kamera ay hindi lamang lenteโito ay mata ng bayan. At ang kanilang tinig ay hindi lamang salitaโito ay panawagan para sa katarungan at pananagutan.
Ang araw na ito ay araw ng paggunita sa mga mamamahayag na naghatid ng balita at kuwento ng katotohanan. Ito ay araw ng pagpapaalala na ang mga alagad ng midya ay isang hukbo na may tungkuling maglingkod, makibaka, magmulat, at magsulat ng mga artikulo na naglalayong ipagbigay-alam sa madla ang tunay na nangyayari sa bayan. Isang halimbawa ay ang isinampang kaso laban kay Jacob Baluyot at ang pagmamarka sa kanya bilang โkriminalโ dahil sa pagtindig niya sa anti-corruption rally, at si Maria Ressa na ginawaran ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang walang takot na paglaban para sa malayang pamamahayag. Tayo ay magalit sa mga taong nagnanakaw sa bayan, hindi sa mga mamamahayag na ang nais lamang ay limasin ang kaban ng katotohanan upang ipamahagi sa taong-bayan.
Ngayong Araw ng Pandaigdigang Kalayaan sa Pamamahayag, hindi sapat ang pagbati. Ang nararapat ay pagkilalaโat higit pa rito, ang patuloy na pagtatanggol sa kanilang karapatan na magsalita, magsulat, at maglahad ng katotohanan nang walang takot. Ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi lamang laban ng mga mamamahayagโito ay laban ng bawat Pilipino. Sapagkat kung ang tinig ng mamamahayag ay tuluyang patatahimikin, sino pa ang maglalahad ng kuwento ng bayan? At kung ang katotohanan ay tuluyang maliligaw, sino pa ang magsisilbing ilaw sa dilim?
๐๏ธ: Vhince Zairel
๐จ: Amara Dy