11/08/2026
Makiki heart ❤️ naman po.
Thank you.
Advocacy:
"Kung ako po ang magiging Ms. BatMC 2026, gagamitin ko ang aking titulo upang maging patunay na ang Batangas Medical Center ay institusyong may malasakit at pusong naglilingkod. Ang korona ay gagamitin kong simbolo, hindi lamang po ng tagumpay kundi bilang paalala din ng aking pananagutan bilang Doctor sa bawat pasyenteng nangangailangan ng malasakit at pag-asa.
Bilang kinatawan ng BatMC, isasabuhay ko ang ating ICARE core values—Integrity sa paggawa ng tama kahit walang nakakakita, Commitment sa tapat at buong pusong paglilingkod, Accountability sa bawat desisyong may epekto sa buhay ng iba, Respect sa pagtrato sa bawat tao nang may dignidad at pagkakapantay-pantay, at Excellence sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong higit sa inaasahan.
Naniniwala po ako na ang pinakamabisang paraan upang mapalakas ang tiwala ng publiko ay hindi sa pamamagitan ng mga pangako, kundi sa pamamagitan ng mga pusong tunay na naglilingkod. Dahil kapag naramdaman ng bawat pasyente na sila ay pinakikinggan, iginagalang, at inaalagaan, hindi lamang ang pangalan ng BatMC ang kanilang maaalala—kundi ang pagmamalasakit na kanilang naranasan.
At kahit matapos man ang pageant na ito, ipagpapatuloy ko ang pagiging mabuting kinatawan ng BatMC. Sapagkat ang tunay na titulo ay hindi nasusukat sa koronang isinusuot, kundi sa mga buhay na ating nahahawakan at sa tiwalang ating naiiwan sa puso ng bawat taong ating napaglilingkuran."
Dr. Jade Nicole C. Evangelista
Medical Services