21/08/2026
๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๏ธ
Ang paggunita sa ika-43 anibersaryo ng pagpanaw ni Sen. Benigno โNinoyโ Aquino Jr., ay pagkakataong balikan ang isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Sa pag-alala sa buhay at sakripisyo ni Sen. Ninoy, kinikilala natin ang kanyang naging ambag sa pagsusulong ng mga usaping may kinalaman sa kalayaan, karapatan, at demokrasya.
Hindi libre ang kalayaang tinatamasa natin ngayon. Nabuo ito sa mahabang kasaysayan ng mga Pilipinong naglingkod, nagsalita, at nanindigan para sa kanilang mga paniniwala at karapatan. Bilang mga kabataan at bahagi ng kinabukasan ng bayan, tungkulin nating kilalanin ang kasaysayang ito at pangalagaan ang mga demokratikong pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-hugis sa ating lipunan.
Sa paggunita kay Sen. Ninoy, hindi lamang tayo nagbabalik-tanaw. Binibigyan din tayo nito ng pagkakataong pag-isipan ang halaga ng pakikilahok, malayang pagpapahayag, at pananagutan sa isang demokratikong lipunan. Bilang mga Ka-Piyu, nawaโy magsilbi ang pag-alala sa kasaysayan bilang paalala na ang ating tinig ay may bahagi sa patuloy na paghubog ng ating bayan.
Layout by J. Punzalan
Words by M.J. Vergara