Our Lady Of Assumption College San Pedro Campus

Our Lady Of Assumption College San Pedro Campus OUR LADY OF AASUMPTION COLLEGE continues to commit itself to serve its clients towards the attainmen

22/04/2026
PRAYORIDAD NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD ANG KALIGTASAN NG MGA SAN PEDRENSE OFWsBilang Committee Chairman ng International R...
10/03/2026

PRAYORIDAD NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD ANG KALIGTASAN NG MGA SAN PEDRENSE OFWs

Bilang Committee Chairman ng International Relation and Local Affairs tayo ay nagpasa ng isang resolusyon sa Sangguniang Panlungsod ng San Pedro upang ipahayag ang aking matinding pag-aalala sa patuloy na airstrikes at armadong kaguluhan sa Middle East. Layunin ng resolusyong ito na hikayatin ang agarang pagkilos upang matiyak ang kaligtasan, kapakanan, at kung kinakailangan ay ang repatriation ng ating mga kababayang San Pedrense na naroroon.

Kasabay nito, buong suporta ko rin ang resolusyong inihain ni Coun. Marky Oliveros na naglalayong magtatag ng San Pedro City OFW Help Desk sa ilalim ng PESO, upang mas mapabilis ang pagtulong at koordinasyon sa DMW at OWWA para sa agarang assistance sa ating mga OFW, lalo na sa UAE at Saudi Arabia.

Para sa ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi kayo nag-iisa. Nandito ang inyong pamahalaang lungsod upang umagapay at kumilos para sa inyong kaligtasan. 🇵🇭

SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG SAN PEDRO, LAGUNA NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA PAGBUBUWAG NG PROVINCIAL RATENagpahayag ng matibay ...
10/03/2026

SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG SAN PEDRO, LAGUNA NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA PAGBUBUWAG NG PROVINCIAL RATE

Nagpahayag ng matibay na suporta ang Sangguniang Panlungsod ng San Pedro, Laguna na pinangunahan ng Committee Chairman on Labor and Employment Coun. Mark A. Acierto, sa panukalang batas na naglalayong buwagin ang umiiral na provincial wage rate system at magtatag ng iisa at makatarungang pambansang minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Isang malinaw na panawagan mula sa San Pedro. Makatarungang sahod para sa lahat ng manggagawa. 💼✊

10/10/2025
13/05/2025
07/10/2023
18/08/2022

Kaugnay ng mga ginagawa natin para mas mapabuti ang estado ng edukasyon dito sa ating bayan, pati na din ang mga hinaing ng ating mga kababayan kaugnay sa nakaraang Iskolar ng Lungsod ng San Pedro application noong August 10, muli po nating bubuksang application para sa SY 2022-2023 sa darating na August 21, 2022 (Linggo) 9:00 AM - 4:00 PM sa 3rd Flr. ng Robinsons Galleria South. Sana po sa extension na ito ay mas makapagbigay pa ng pagkakataon para makapagbigay ng tulong sa ating mga mag-aaral.

Para uli sa mga interesadong aplikante, mangyari lamang ihanda na ang mga sumusunod:

• 2 Passport-size pictures.
• COMELEC Certification ng aplikante. Kung minor, ipasa ang COMELEC Certification ng magulang.
• Certified True Copy of Grades with dry seal (for College Students) or Original & Photocopy of Report card (for Senior High School Graduates).

NOTE: Ang aplikante po ay dapat naka-enroll bilang isang regular student na may regular academic load para sa 1st Semester of AY 2022-2023.

Muli, ang ILSP Program ay bukas sa lahat ng underprivileged but deserving college students na residente ng City of San Pedro na kabilang sa pamilya na may kinikita na hindi lalagpas sa Php 300,000 kada taon.

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa (02) 8777-7352.

Uulitin ko pong muli ang aking paniniwala na dapat nating pagtuunan ng pansin ang ating mga mag-aaral at ang sektor ng edukasyon sa ating bayan. Alam ko na kung mangunguna sa edukasyon ang ating bayan, mangunguna din ang Laguna sa iba pang mga larangan. Ang edukasyon din ang ating magiging Susi sa pagbukas ng iba pang mga pangarap ng ating Lungsod. Kung kaya naman, hindi pa din tayo titigil sa pakikipagtulungan sa inyong lahat para mas mapabuti pa ang natatanggap ng serbisyo ng ating mga mag-aaral at ng ating mga mamamayan. Sama-sama at tulong para sa Lungsod ng San Pedro.


07/05/2022


Address

Main Road Villa Olympia Subd
San Pedro
4023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady Of Assumption College San Pedro Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Our Lady Of Assumption College San Pedro Campus:

Share