10/03/2026
Pagbati, BSP 3A! ๐ฏ๏ธ
Lubos ang aming pasasalamat sa Mahusayk at Sayk Org para sa isang matagumpay na pangunguna at pagsasagawa ng isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ng seremonyang ito.
Pasasalamat sa aming mga magulang, g**o at lalo na sa aming mga sariliโsa lahat ng puyat, pagod, at mga sandaling tila hindi na mapanindigan ang aming mga responsibilidad. Sa kabila ng mga pagsubok at hamon na aming naranasan, patuloy naming ipinakita ang aming katatagan, tiyaga, at resiliency upang magpatuloy.
Ang tagumpay na ito ay hindi nasusukat sa iisang parangal, kundi sa sipag, dedikasyon, at sa lakas ng loob ng bawat isa upang malampasan ang pagod at pag-aalinlangan sa aming sarili.
Kasabay ng seremonyang ito, patuloy naming isasabuhay ang diwa ng malaya at mapagpalayang sikolohiya. Ito ang isang sikolohiyang may malasakit sa kapwa, may kamalayan sa lipunan, at handang maglingkod upang itaguyod ang dignidad at kapakanan ng bawat tao.
Padayon, BSP 3A! OJT nextโจ