18/10/2016
Breaking News - Signal No. 5, itataas bukas sa Northern Luzon dahil sa sobrang lakas ng Bagyong Lawin na kasing-lakas ng Bagyong Yolanda. Ayon kay Pagasa forecaster Aldzar Aurelio, lalo pang babagsik si Lawin bago pa man ito tatama at hahagupit sa Cagayan Valley sa Huwebes ng madaling araw. Nauna nang sinabi ng Pagasa kanina na magdedeklara sila bukas ng Signal No. 4 pero inaasahang itataas pa nila ito sa Signal No. 5 dahil sa sobrang lakas ng bagyo. Nakataas na ngayon ang Signal No. 1 sa mga lugar ng Ilocos Norte, Apayao, Cagayan kasama na ang Calayan group of Islands, Batanes group of Islands, Isabela, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, Catanduanes at Polillo Islands.