25/08/2019
Isang Mapagpapalang araw sa lahat ng alumni ng BPSU-FFHNAS
BSAg, BAT, BSE, HRM and DAT
Sa loob ng halos humigit kumulang na ilang taon na tayo ay magkakasama sa lilim ng bubungan ng paaralang FFHNAS,
kung saan dito nabuo at natupad ang inyong mga pangarap...
dito niyo nilinang ang inyong mga kahinaan ..
dito niyo nakilala ang inyong sariling kalakasan..
dito niyo nakilala ang inyong mga sarili at mga
tunay na kaibigan..
Hindi man natin kagustuhan na mawala ang kolehiyo..
may dahilan at Diyos lamang ang nakaka alam ...
Bilang bahagi ng institusyong ito...
kumakatok kami sa inyong mabubuting puso na magbahagi ng kaunting halaga para sa pagpapa ayos ng signage o karatula ng ating paaralan...
kayo po ay kabahagi ng proyektong ito bilang alumni ng ating paaralan.....
Maari po kayong makipag ugnayan kay Ms.Janet Gutierrez para sa anumang tulong na inyong maibabahagi
Taos pusong pasasalamat sa lahat ng Alumni ng BPSU-FFHNAS