22/08/2026
๐ง๐๐๐ก๐๐ก | ๐ฃ๐จ๐ฃ ๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ข๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ก๐๐ฆ๐ฆ ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก, ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐ฃ ๐๐๐ฅ๐ฆ๐ง ๐๐๐ฌ ๐๐๐๐๐ง ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Nakiisa ang mga Negosyanteng Makabayan kasama ang PUP CBA SC at Anakbayan PUP sa naganap na First Day Fight ngayong Agosto 22, 2026. Kasama ang mga Iskolar ng Bayan, malakas na sigaw ang umalingawngaw mula Condotel hanggang University Avenue upang ipanawagan ang dagdag na pondo para sa edukasyon, sapat na suporta para sa mga estudyante, at pananagutan sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa komunidad.
Binigyang-diin ang matinding epekto ng kakulangan sa badyet sa edukasyon sa mga estudyante, mula sa pasilidad at learning resources hanggang sa araw-araw na gastusin sa pag-aaral. Kasabay nito, binigyang-pansin din ang mga pagbabagong kinahaharap ng mga programa at departamento sa unibersidad, tulad ng nakaraang biglaang paglipat ng Department of Financial Management mula sa College of Accountancy and Finance patungo sa College of Business Administration. Ipinakikita nito ang pangangailangan para sa makabuluhang konsultasyon, malinaw na proseso, at pananagutan sa mga desisyong may epekto sa mga estudyante at sa kanilang edukasyon.
Kasabay nito, nanawagan din ang mga Negosyanteng Makabayan para sa sama-samang pagtindig laban sa korapsyon, pananamantala, at mga suliraning patuloy na nagpapabigat sa mamamayan at sangkaestudyantehan.
Hawak ang mga panawagan at dala ang tapang na manindigan, patuloy nating ipinaglalaban ang isang sistemang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mga estudyante.
Sa araw-araw nating karanasan, ramdam natin ang epekto ng kakulangan sa badyet sa edukasyon at iba pang suliraning nagpapabigat sa ating pag-aaral at pamumuhay. Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng bansa, hindi natin pinipiling manahimik.
Bilang mga estudyanteng hinuhubog bilang mga susunod na propesyonal, gamitin natin ang ating kaalaman hindi lamang para sa pansariling tagumpay, kundi para sa kapakanan ng nakararami. Sapagkat ang edukasyon ay hindi lamang paghahanda para sa ating sariling kinabukasan, kundi pananagutan din sa lipunang ating ginagalawan.
Negosyanteng Makabayan, Lumalaban!Negosyanteng Lumalaban, Makabayan!