14/02/2023
[MUST READ]‼️ SULAT HANDOG NG ACES.
Oo, napakabilis ng panahon..
Parang kailan lang noon…
Kumusta? Naranasan mo rin ba?
Noong una halos ayaw mo tanggapin ‘friend request’ niya sa Facebook mo.
Noong una — sa una lang pala talaga.
Siguro ikaw o siya ang unang nagchat ano?
Pero ang mahalaga nag-uusap kayo.
Siguro nakangiti ka habang nagtatype ng reply mo, habang sumasandok ng kanin sa kaldero.
GRABE, sana hindi nalang lumipas.
Sa sobrang tamis ng convo sa sleep time ika’y lumagpas. (NAKU POOO!)
Malaki eye bags sa umaga, pero ayos nga lang at nakausap mo siya. Hindi ba?
Imbes na asukal ilalagay mo sa kape, iodized salt na pala ang nasa kutsara dahil hindi mo napansin ang pagkakaiba.
Yoon ang naging problema.
“HINDI MO NAPANSIN ANG PAGKAKAIBA”.
Kasi akala mo..
AYAN NANAMAN KASI TAYO SA AKALA, hays.
Akala mo hindi siya katulad ng iba
Akala mo ipapanalo ka na niya
Akala mo hindi ka na muling luluha pa
Akala mo napakalalim na ng koneksiyon ninyo, pero hindi mo alam mababaw lang para sakaniya.
Unti unting naglalaho ang pangakong, “kapag kailangan mo ng makakausap nandito lang ako”.
Nasaan na ang mga,
“Good morning & Good night, love”
“Kumusta ka ngayon? Kumain ka na?”
“Ganda ganda naman niyan”
“Thank you kasi kahit walang tayo lagi kang nandiyan“ (AYAN KASI ATENGGGG‼️)
PUMIKIT KA LANG SAGLIT, nagbago na ang lahat.
Neng, sa panahon ngayon hindi mo agad matutukoy kung tunay ang pagtingin o nararamdaman ng isang tao saiyo.
Nawala ba sa isip mo na—
Paano kung..
[MEDYO MASAKIT ITO, kasi magsisimula sa PAANO.]
Paano kung kinakausap ka niya kasi hindi siya nirereply’an ng gusto niyang makausap?
Paano kung nagsesend siya ng random Tiktok sa’yo kasi bored lang siya?
Paano kung ngayon lang gawin sa iyo ‘yan kasi ikaw ang nandiyan?
At ito pa..
Ginawa mo ang GF duties ng soba sobra.
May bumalik ba saiyo? WALAAAAA.
GF ka ba niya? HINDI
May label ba kayo? WALA
E BAKIT MO GINAWA ‘YON?
“AKALA KO KASI..”
Hindi mo naisip PAANO KUNG?
Pagkatapos lahat ng ginawa at ibinigay mo, basta isang araw hindi nalang kayo nag-usap.
Basta isang araw chat ka ng chat sakaniya, hindi na siya nagreply pa.
Bakit kaya? Bakit nga ba? Iniisip mo ikaw ba ang naging problema, siguro ikaw nga?
Ihigop mo ng kapeng barako ‘yan, kung may budget mag red horse ka naman. Ituloy natin ang usapan..
At alam mo na galing siya sa nakaraan kung saan siya nadurog, tapos ginawa mo ang lahat para isalba siya. NAGPAKA-DARNA KA, TAPOS ANO?
Sumasandok ka ng kanin ng walang ngiti sa labi.
Kasi ngayon mo napagtanto na, sa kagustuhan mong mabuo siya — ikaw yung nadurog.
Hindi lahat ng nagbibigay ay nakakatanggap pabalik. Dahil hindi lahat ng tumatanggap ay kayang magbalik — tama ang The Juans.
Masasabi mo nalang talaga na..
Basta ngayon hindi na kami nag-uusap.
At kailan man hindi na muling mag-uusap.
Pero bakit kaya?