09/06/2026
We are proud of our RBA College student FREDRICK M. ESTONINA who demonstrated courage, compassion, and selflessness during yesterday’s earthquake.
While many were overwhelmed with fear and uncertainty, he chose to step forward and help those in need at the hospital. His willingness to assist others, even in the midst of danger, reflects the true spirit of service, humanity, and leadership that we strive to instill in our students.
Your actions remind us that true heroes are not defined by titles, but by their readiness to help when it matters most.
RBA College salutes you for your bravery and kindness. We are proud to call you our student. May your good heart continue to inspire others
Lubos ang aming pasasalamat sa lalaking estudyante ng RBA College na nasa larawan. Noong kasagsagan ng malakas na lindol (June 08,2026), habang puno ng takot at pangamba ang lahat sa ospital, isa siya sa mga taong hindi nag-atubiling tumulong.
Kahit na napadaan lamang siya sa ospital, agad siyang pumasok upang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. Sa gitna ng kaguluhan at panganib, maingat niya kaming inalalayan at tinulungang makababa mula sa second floor upang makarating sa mas ligtas na lugar. Ang kanyang katapangan, malasakit, at pagiging handang tumulong sa oras ng pangangailangan ay isang bagay na hinding-hindi namin malilimutan.
Sa mga panahong puno ng takot, naging malaking ginhawa ang presensya ng mga taong tulad niya. Hindi lahat ay may lakas ng loob na unahin ang kapakanan ng iba sa gitna ng isang sakuna, ngunit ipinakita niya ang tunay na diwa ng kabayanihan at pagmamalasakit sa kapwa.
Maraming salamat sa iyong kabutihan at sakripisyo. Nawa'y pagpalain ka pa at gabayan sa lahat ng iyong mga pangarap. Isa kang inspirasyon at isang tunay na bayani sa aming mga mata. 💙🙏