26/04/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐น๐ด. ๐ฎ๐ด, ๐ฎ๐ต, ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ญ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฆ๐, ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฆ๐๐ข ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐ถ๐ป๐๐บ๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ข๐ฝ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ฐ ๐๐ณ๐ณ๐ฎ๐ถ๐ฟ๐
Siniloan, Laguna โ Pormal na isinumite noong Abril 23, 2026 ng Supreme Student Council (SSC) ng Laguna State Polytechnic University โ Siniloan Campus ang tatlong mahahalagang resolusyon sa Tanggapan ng Campus Director, na inaasahang iendorso sa Opisina ng Vice President for Academic Affairs, kasunod ng isinagawang consultative meeting noong Abril 21, 2026 kasama ang mga pangulo at mga kinatawan ng ibaโt ibang Student Body Organizations (SBOs).
Ang nasabing konsultasyon ay nagsilbing mahalagang hakbang upang pag-isahin ang paninindigan ng mga lider-estudyante, talakayin ang nilalaman ng bawat panukala, at tiyaking ang mga resolusyon ay sumasalamin sa tunay na pangangailangan ng mga mag-aaral bago ito pormal na ihain sa administrasyon.
Kabilang sa mga isinumite ang mga sumusunod:
โข ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ฎ๐ด โ Isang resolusyon na nagpapatibay sa pagpapatupad ng polisiya na nagbabawal sa sapilitan o hindi boluntaryong kontribusyon mula sa mga mag-aaral para sa mga gawaing hindi akademiko, partikular sa College Student Nights at iba pang kahalintulad na mga aktibidad na hindi bahagi ng anumang kurikulum.
โข ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ฎ๐ต โ Isang resolusyon na nag-aamyenda sa Supreme Student Council Resolution No. 28, Series of 2026, sa pamamagitan ng paglilinaw ng saklaw nito sa College Student Nights, pagbibigay ng mga depinisyon ng mga termino, at pagtatatag ng mga alituntunin para sa maayos na pagsasagawa at pagpaplano ng mga nasabing aktibidad.
โข ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ฏ๐ญ โ Isang resolusyon na nagrerekomenda sa unibersidad ng pagpapatupad ng flexible learning modalities sa Laguna State Polytechnic University โ Siniloan Campus, na nag-aamyenda sa Flexible Learning Modality Directive mula sa Tanggapan ng University President na may petsang Abril 19, 2026, alinsunod sa CHED Memorandum Order No. 117, s. 2026, bilang tugon sa mga suliranin sa transportasyon, kondisyon ng kapaligiran, at mga hamon sa accessibility na nararanasan ng mga mag-aaral, at nagtatakda ng mga hakbang para sa academic flexibility at kapakanan ng mga estudyante.
Ayon sa SSC, ang pagkakaisa at suporta ng mga SBO President ay nagpapakita ng kolektibong paninindigan ng sektor ng mga mag-aaral para sa makatarungan, inklusibo, at makabagong mga polisiya sa loob ng pamantasan. Inaasahan na ang mga resolusyong ito ay magsisilbing konkretong hakbang upang maprotektahan ang kapakanan ng mga estudyante, mapabuti ang pamamahala ng mga aktibidad, at matugunan ang mga umiiral na hamon sa akademikong kapaligiran.
Sa kasalukuyan, nakabinbin pa ang dalawa pang resolusyon na sinuportahan din ng mga SBO President, na kasalukuyang sumasailalim sa karagdagang koordinasyon at konsultasyon sa iba pang mga tanggapan ng unibersidad bago ito pormal na isumite sa Tanggapan ng Campus Director at iendorso sa mas mataas na opisina.
Samantala, hinihintay pa ang opisyal na aksyon mula sa administrasyon hinggil sa mga naisumiteng resolusyon, habang patuloy na umaasa ang SSC sa agarang pagtalakay at implementasyon ng mga panukalang hakbang para sa kapakinabangan ng buong komunidad ng mga mag-aaral.