09/10/2026
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฎ๐ง๐ฎ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐ซ๐จ๐ค๐ฅ๐๐ฆ๐; ๐๐ฎ๐ขรฑ๐จ๐ง๐๐ฌ, ๐ข๐ ๐ข๐ง๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ค๐๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ
Ipinroklama ngayong araw, ika-9 ng Oktubre, ang mga bagong opisyal ng Technology Student Council (TSC) mula sa SYNCH Party matapos nitong manguna sa halalan noong nakaraang Martes.
Ayon kay Quiรฑones, bagong halal na pangulo ng TSC, bagaman wala silang katunggali sa halalan, hindi nito binabawasan ang kanilang pananagutan bilang lider. Sa halip, nakikita niya itong mas malaking hamon upang patunayan sa pamamagitan ng pagkilos ang tiwalang ibinigay sa kanila ng mga botante.
โKahit walang kalaban, hindi ibig sabihin na wala na akong kailangang patunayan. Sa totoo lang, mas malaki ang responsibilidad dahil wala kaming kalaban,โ ani Quiรฑones.
Sinabi rin ng bagong pangulo na bibigyang-prayoridad ng kaniyang pamunuan ang komunikasyon at paggalang sa pakikitungo sa mga mag-aaral. Aniya, hindi niya gagamitin ang kaniyang posisyon upang mangako lamang o magpasikat, kundi upang lumapit sa mga estudyante, pakinggan ang kanilang mga hinaing, at isalin sa aktuwal na programa ang mga napagkasunduang ideya.
โHindi ko kailangang maging paborito ng lahat, ngunit handa akong gampanan ang responsibilidad bilang lider na makikinig sa mga estudyante, uunawa sa kanilang mga alalahanin, makikipag-ugnayan sa ibang organisasyon, at kikilos para sa kanila,โ pahayag niya.
Bilang pangunahing organisasyon ng CoT, kinakatawan ng TSC ang pinakamalaking populasyon ng mga mag-aaral sa SorSU. Dahil dito, sinabi ni Quiรฑones na mahalagang mapag-isa ang mga mag-aaral sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang opinyon at personalidad.
Nanguna si Quiรฑones sa mga ipinroklamang opisyal matapos makakuha ng 1,309 boto. Matatandaang tumakbo ang buong kandidatura sa ilalim ng SYNCH Partyโang nag-iisang partidong nagsumite ng kompletong slate sa halalan, dala ang panawagang โOne Technology, One Voice, Moving Together.โ
Bukod kay Quiรฑones, naihalal din ang kaniyang mga kapartido bilang bagong opisyal ng TSC, kabilang dito sina:
Rogelio D. Gaurino Jr. โ Vice President for Internal Affairs, 1,198 boto; 165 abstention
John Mark S. Dioneda โ Vice President for External Affairs, 1,065 boto; 307 abstention
Angelica J. Jaso โ Secretary, 1,271 boto; 92 abstention
John Erick J. Salazar โ Treasurer, 1,246 boto; 117 abstention
Anna Marie Nogales Dongaol โ Auditor, 1,253 boto; 110 abstention
Mark Xervian G. Delos Santos โ Public Information Officer, 1,243 boto; 120 abstention
Ella Mae A. Fidellega โ Sergeant-at-Arms, 979 boto; 384 abstention
John Patrick R. Lacar โ Sergeant-at-Arms, 870 boto; 493 abstention
Christian Carl C. Aguilar โ Liaison Officer, 798 boto; 565 abstention
John Rens E. Funtanar โ Liaison Officer, 939 boto; 424 abstention
Batay sa tala ng TSC Election Committee (ElecCom), na pinamumunuan ni Chairperson Elgerald Niko Bendaรฑa, umabot sa 1,865 balota ang nabilang sa halalan. Sa bilang na ito, 1,363 balota ang idineklarang balido habang 502 balota ang hindi balido.
via | Roxanne Haboc, Editor-in-Chief
Inilapat nina: Jerica Joyce Funelas (Head Layout Artist) at Nikko Lagco (Head Graphic Artist)