18/05/2022
Hi admin. Di ko akam kung tumatanggap pa po kayo ng confession pero sana ma-post ito.
To my Almost Perfect Ex- boyfriend,
Hoy balita ko okay ka na daw! Sana all HAHAHAHA. Cliche it may sound pero sobrang unforgettable ang start ng relationship natin. Mala-wattpad dzai. I remembered our bungguan-moments palabas ng school gate in the midst of broad daylight and many students saw that scene. I remembered asking forgiveness (fist time ko yun dzai humingi ng tawad kasi sobrang guilty ako) kasi nga nasira ko yung Android phone mo and you replied, "Happy?" Alam mo bang sobrang nakaka frustrate ka noon? We aren't close that time, pero alam ko na brainy ka na snob. I knew, too, na crush mo noon best friend ko pero keri lang kasi wala naman akong pakialam sayo noon.
Year later, naging magkaklase tayo. Eventually, naging close na tayo. You had the guts to call me "Tanga", "Bobo" at "Manhid" dahil lang di ko alam na may gusto ka na pala sakin pero iba crush ko. And that's the start of our relationship, yung everyday riot natin sa room tapos unli-bangayan at pa-bidahan ng answer during discussion. We had the most wonderful love story. Enemies first, academic rivals then mag-jowa na. We are almost perfect, almost! Wattpadian ako, gamer ka. Snob ka, friendly ako. Ikaw bahala sa Math assignments and tasks natin, ako naman sa essays. Photojournalist ka, feature writer naman ako. We compliment each other. But still, we are just almost perfect, but never the perfect combination.
After a year of being together, doubts, pain and heartbreasks dominated our relationship. You matured fast, leaving me behind and nangangapa sa dilim kasi di ko alam kung paano magcocope-up sa biglang pagbabago mo. You seemed so distant, cold and totally not the man I first met. We broke up and that's the days I regret the most. Pati guidance counselor natin noon naki chismis sa break up natin an dthw whole school knew it. Naks, sobrang famous natin noon eh. Pero sana pala di kita pinakawalan noon para di mo naramdaman yung saya sa iba. Sana pala inintindi pa kita katulad ng palagi mong ginagawa sakin. Sana pala mas nag tiwala pa ako. Sana pala pero okay lang, bumalik ka naman eh. Pero di na tulad ng dati.
Bumalik ka pero dama ko na yung minsanang lamig, kawalan ng gana at ang pagmamahal na alam kong di na buo. Yung away natin, mas lumalala. Puro na tayo sumbatan, iyakan at pataasan ng pride. Alam mo bang hanggang ngayon nakatatak sa isipan ko yung sagot mo sa tanong ko na "Bakit ka sakin bumalik? Mahal mo pa ba ako o takot ka lang makita ako sa piling ng iba", sagot mo "Both, mahal kita at takot ako makita ka sa iba na masaya." Ang selfish mo sa part na yun. Masaya na sana ako eh. Natuto na akong ngumiti eh pero ginulo mo ako uli kaya ayun guho na naman mundo ko ng iwan mo ulit. Para tayong mga batang takot mawala ang paborito nating laruan. Naka-ilang break ba tayo? Dalawa? Tatlo? Di ko alam. Sobrang toxic! Nakaka drain ng brain cells. Sobrang nakaka frustrate at sobrang life-damaging. Lakas mo maka wasak ng mundo, daig mo pa yung ml hero mo na naka-full items na. Sobrang sakit ng skills dzai. Isang ss mo lang sakin, suko na ako.
Hoy sayo, 4 years and 7 months na sana tayo. Tagal na sana pero yung break up natin sobrang tagal na din. College na din pala tayo. Naalala ko pa yung mga dreams natin about sa college life natin. Pangarap pa natin noon makapag-tapos ng sabay sa college, ikaw bilang engineer tapos ako teacher. Pero talagang mapag-laro ang tadhana, pareho pa tayong nasa Technology Dep't. Aba Lord quota ka na ah.
To my almost perfect ex-boydfriend, I wish you all the best tapos sana masaya ka kasi yun din naman naging dahilan ng pagbitaw ko na rin sa relasyim natin. Tapos sana pakinggan mo yung Happier ni Olivia Rodriguez ah, relate ako dun eh. HAHAHAHHAA. May we find our true love in God's perfect timing. Thank you for being my first love, my anchor and my fiercest love. See you when I see you, mwahhh.
Faith
BET
2021