02/06/2026
𝗔𝘀𝘀𝗮𝗹𝗮̄𝗺𝘂 ‘𝗔𝗹𝗮𝗶𝗸𝘂𝗺 𝘄𝗮 𝗥𝗮𝗵𝗺𝗮𝘁𝘂𝗹𝗹𝗮̄𝗵𝗶 𝘄𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗸𝗮̄𝘁𝘂𝗵.
Sa aming mga mahal na magulang, at mga kapatid, nais po naming magbigay ng isang mahalagang paalala para sa kaligtasan ng ating mga anak at mga kapatid na babae.
Kaugnay ng isang malungkot na pangyayari kung saan isang estudyante ang pumanaw matapos masabit at makain ng makina ng motorsiklo ang kanyang abaya, hinihikayat po namin ang lahat na maging mas maingat sa pagsakay sa motorsiklo, lalo na kung ito ay single motor lamang ang gamit bilang transportasyon.
Lalo na po sa ating mga 𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻𝗮𝗾𝗾𝗶𝗯𝗮𝗵 at mga nagsusuot ng mahahabang abaya, ipinapayo na itaas nang bahagya ang abaya habang nakasakay upang hindi ito sumayad o masabit sa gulong at makina. Mainam din na magsuot ng pajama, pantalon, o anumang angkop na panloob na kasuotan upang mapanatili ang awrah at kaligtasan sakaling kailanganing itaas ang abaya. Siguraduhin din na walang bahagi ng damit na maaaring makain o mahila ng anumang gumagalaw na bahagi ng motorsiklo.
Kung maaari po, iwasan ang pagsakay sa single motor lalo na kung may mas ligtas na alternatibong sasakyan. Ngunit kung wala pong ibang mapagpipilian, tiyakin na doble ang pag-iingat, maayos ang pagkakaupo, at ligtas ang kasuotan bago bumiyahe.
Nawa’y magsilbi itong paalala at babala sa ating lahat upang maiwasan ang kaparehong trahedya. Hinihiling din namin ang inyong mga du‘ā para sa yumao at sa kanyang naiwang pamilya.
𝗝𝗮𝘇𝗮̄𝗸𝘂𝗺𝘂𝗹𝗹𝗮̄𝗵𝘂 𝗞𝗵𝗮𝘆𝗿𝗮𝗻.
𝗪𝗮 𝗔𝘀𝘀𝗮𝗹𝗮̄𝗺𝘂 ‘𝗔𝗹𝗮𝗶𝗸𝘂𝗺 𝘄𝗮 𝗥𝗮𝗵𝗺𝗮𝘁𝘂𝗹𝗹𝗮̄𝗵𝗶 𝘄𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗸𝗮̄𝘁𝘂𝗵.