25/02/2026
Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, nakikiisa ang Philippine Nursing Students’ Association - ACC Chapter sa pagpupugay sa lakas at pagkakaisa ng mamamayang Pilipino sa pagtataguyod ng demokrasya at katarungan. Bilang mga estudyanteng nars, patuloy kaming naninindigan para sa karapatan sa kalusugan at sa pagpapaunlad ng isang sistemang pangkalusugan na makatao, sapat, at abot-kaya para sa lahat. Nawa’y magsilbing paalala ang diwa ng EDSA sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos tungo sa isang lipunang may pananagutan, malasakit, at tunay na paglilingkod sa mamamayan.