08/08/2026
๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ: ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง๐ต๐ญ
๐พ๐๐๐๐๐โ๐๐ ๐ ๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐ฆ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐ข๐ค๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐ข๐๐๐ก ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ ๐ ๐ ๐๐ข๐ค๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ค๐๐๐ ๐๐๐ ๐ต๐ข๐ค๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐?
Sa pamamagitan ng ๐๐ซ๐จ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ. 339, na nilagdaan ni dating Pangulong ๐๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐จ ๐. ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ noong Pebrero 16, 2012, idineklara ang buong buwan ng Agosto bilang ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก. Bago ito, ipinagdiriwang lamang ang History Week tuwing Setyembre 15 hanggang 21 sa ilalim ng Proclamation No. 1304 na inilabas noong 1974. Inilipat ang pagdiriwang sa buwan ng Agosto at pinalawig ito sa buong buwan sapagkat, ayon sa Proclamation No. 339, karamihan sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ay naganap sa buwan ng Agosto.
Kabilang sa mga makasaysayang pangyayari ay ang ๐บ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐
๐ณ๐๐๐๐ noong Agosto 23, 1896 na nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng Philippine Revolution sa pangunguna ng Katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio. Kasunod nito ang ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ noong Agosto 30, 1896, ang kauna-unahang malaking sagupaan sa pagitan ng mga rebolusyonaryong Pilipino at ng mga puwersang Espanyol, sa pamumuno nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Noong Agosto 1, 1898, isinagawa ang ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ sa Bacoor, Cavite. Dito pinagtibay ng mga kinatawan mula sa iba't ibang lalawigan ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpirma sa ๐ด๐๐ก๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, dokumentong isinulat ni Apolinario Mabini na pormal na nagpahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Bilang pagkilala rito, idineklara ang Agosto 1 bilang Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng Republic Act No. 12073.
Isa ring mahalagang yugto sa ating kasaysayan ang pagpapatibay ng ๐ฑ๐๐๐๐ ๐ณ๐๐ ๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐ noong Agosto 29, 1916. Sa batas na ito unang ipinahayag ng Estados Unidos ang hangarin nitong pagkalooban ng ganap na kalayaan ang Pilipinas. Samantala, noong Agosto 4, 1964, nilagdaan naman ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Republic Act No. 4166, na naglipat sa pagdiriwang ng ๐ฐ๐๐
๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐ซ๐๐ mula ๐ฏ๐๐๐๐ 4 sa ๐ฏ๐๐๐๐ 12. Sa pamamagitan ng batas na ito, opisyal na kinilala ang Hunyo 12 bilang araw ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas bilang paggunita sa deklarasyon ng kalayaan na isinagawa sa Kawit, Cavite noong 1898.
Tuwing huling Lunes ng Agosto naman, ginugunita natin ang ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ bilang pagpupugay sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at paglilingkod para sa kalayaan ng ating bansa.
Ginugunita rin sa buwang ito ang ilan sa mga mahahalagang personalidad na nag-iwan ng malaking ambag sa kasaysayan ng Pilipinas, tulad nina ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐. ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง, Ama ng Wikang Pambansa at isa sa mga pangunahing nagsulong ng sariling pamahalaan ng Pilipinas; ๐๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐จ '๐ต๐๐๐๐' ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ฑ๐., na ang kanyang pagpaslang ay nagbigay-daan sa mas malakas na panawagan para sa demokrasya; at ๐๐จ๐ซ๐๐ณ๐จ๐ง ๐. ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ, ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng bansa na nanguna sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa pamamagitan ng People Power Revolution.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto, balikan natin ang ating kasaysayan, pahalagahan ang mga aral nito, at ipagpatuloy ang diwang makabayan para sa susunod na henerasyon.
At bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong buwan, samahan natin ang ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ sa paglalayag ng tema na "๐ฏ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐, ๐ซ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐," sapagkat ang kasaysayan ay hindi lamang kuwento ng nakaraan, ito ang gabay sa paghubog ng ating kinabukasan.
โ๏ธ & ๐ผ๏ธ๐ nina: Carl Jones Siborboro
Yvonne Bangguiyao