UPTC Batch Mayari

Directions Contact the university

UPTC Batch Mayari Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UPTC Batch Mayari, College & University, University of the Philipines Tacloban, Tacloban City.

Sa kabila ng patuloy na mga panawagan ng taong bayan, nananatili ang talamak na paglabag sa karapatang pantao at ang pag...
08/12/2024

Sa kabila ng patuloy na mga panawagan ng taong bayan, nananatili ang talamak na paglabag sa karapatang pantao at ang paglala ng ibaโ€™t ibang suliranin sa ating lipunan, kasabay ng kawalang aksyon ng estado.

Ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao ay hindi lamang paalala sa kahalagahan ng dignidad at karapatan ng bawat isa. Isa rin itong pagkakataon upang suriin ang kalagayan ng ating lipunanโ€”upang makita ang mga isyung nagpapaigting sa ating kamulatan.

Paulit-ulit ang panawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa SUCs, pag-aalaga sa karapatan ng mga g**o at estudyante sa maayos na pasilidad. Habang ang mga kabataan ay sabik na bumuo ng mas maayos na kinabukasan, saksi tayo sa kawalang trabaho, kontraktwalisasyon, at mababang pasahod ng mga manggagawa. Hindi rin tayo bulag sa mga patuloy na banta sa kalayaan sa pamamahayag at demokrasya.

Ang lahat ng mga isyung ito ay nagpapatunay na ang karapatang pantao ay hindi lamang usapin ng pagkilalaโ€”na ang diwa ng karapatang pantao ay hindi natatapos sa teorya; ito ay nangangailangan ng pagkilos na batay sa prinsipyo ng pagkakaisa, pananagutan, at paninindigan.

Kinikilala ng Batch Mayari na ang aming responsibilidad bilang isang year-level organization ay hindi lamang nakasentro sa aming mga miyembro o limitado sa komunidad ng UP. Ang aming tungkulin ay sumasaklaw sa mas malawak na lipunan, lalong-lalo na sa harap ng hamon sa mga sistemang mapang-api at pasistang estado. Ang patuloy na budget cut sa UP ay hindi lamang usapin ng pondo; ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao. Mula sa kakulangan ng maayos na study spaces at pasilidad hanggang sa mga serbisyong kinakailangan para sa dekalidad na edukasyon, ang kakulangan sa pondo ay nagsisilbing pagkitil sa karapatan ng mga estudyante sa isang epektibo at mataas na kalidad na edukasyon.

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, nakikiisa ang Batch Mayari sa sama-samang paglaban laban sa mga ganitong uri ng panunupil, hindi lamang para sa ating pamantasan kundi pati na rin sa mas malawak na panawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng mapanupil na estado. Ang karapatang pantao, kabilang ang karapatan sa edukasyon, ay isang pakikibaka para sa isang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan.

Ang laban para sa karapatang pantao ay laban para sa mas makatarungan at makataong mundo. Marami na tayong napagtagumpayan, ngunit marami pa rin ang kailangang gawin. Mahalaga ang pagkakaisa upang ang mga boses ng nasa laylayan ay pakinggan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Huwag tayong mapagod sa pagpapatuloy ng laban na ito dahil ang tunay na tagumpay ay nasa pagkilos at pagpapahayag ng ating kolektibong panawagan at paninindigan.








Apat na taon, siyam na buwan, at apat na araw na ang nakalipas ngunit patuloy pa ring isinisigaw at ipinaglalaban ang โ€œF...
11/11/2024

Apat na taon, siyam na buwan, at apat na araw na ang nakalipas ngunit patuloy pa ring isinisigaw at ipinaglalaban ang โ€œFree Tacloban 5.โ€
Sa darating na Nobyembre 11 at 25, haharap sa witness stand sina Frenchie Mae Cumpio at Marielle Domequil sa Tacloban Regional Trial Court โ€” ang unang beses na mabibigyan sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga gawa-gawang kaso at ilegal na pag-aresto noong ika-7 ng Pebrero 2020.

Ang kanilang ilegal na pag-aresto at ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban kina Frenchie Mae Cumpio, Alexander Philip Abinguna, Mira Legion, at Marissa Cabaljao ay patunay ng pagsisikap ng pasistang estado na patahimikin ang mga progresibong indibidwal at grupong matapang na naglalantad ng katotohanan โ€” ang kanilang pagkabilanggo ay isa ring pagkabilanggo sa malayang pamamahayag.

Mariing kinokondena ng UPTC Batch Mayari ang lahat ng banta laban sa kalayaan ng kahit anumang uri pamamahayag at paglabag sa karapatang pantao. Sa bawat pagtatangkang patahimikin ang mga boses na naghahangad ng katarungan, lalong lumalakas ang panawagan para sa isang lipunang tunay na demokratiko at malaya.

Nakikiisa ang UPTC Batch Mayari sa malakas at malawakang panawagan na palayain ang Tacloban 5 at lahat ng bilanggong pulitikal, kasabay ng pagpapanagot sa pasistang estadong tunay na may sala.



๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐๐† ๐ˆ๐๐€'๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐๐’๐„๐‡๐Ž ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐€๐€๐‘๐€๐‹, ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐, ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‘๐†๐€๐๐ˆ๐’๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐“๐€๐‚๐‹๐Ž๐๐€๐ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ...
10/11/2024

๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐๐† ๐ˆ๐๐€'๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐๐’๐„๐‡๐Ž ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐€๐€๐‘๐€๐‹, ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐, ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‘๐†๐€๐๐ˆ๐’๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐“๐€๐‚๐‹๐Ž๐๐€๐ ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐‹๐€๐๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐Ž๐ ๐๐† ๐’๐”๐๐„๐‘ ๐“๐˜๐๐‡๐Ž๐Ž๐ ๐˜๐Ž๐‹๐€๐๐ƒ๐€

Sa mahigit isang dekada, paulit-ulit na dumadagundong ang mga boses na humihingi ng hustisya at pananagutan.
Labing-isang taon na ang nakalipas simula nang wasakin ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 ang mga isla ng Eastern, Central, at Western Visayas, hanggang sa Palawan. Ang hagupit at sugat na iniwan nito sa mga tao ay nananatiling masakit na alaala, hindi lang ang pinsala na iniwan nito, ngunit pati ang kapabayaan ng estado. Sa tala ng kasaysayan, si Yolanda ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa, kumitil ng mahigit anim na libong buhay at nag-iwan ng libu-libong nawawala, kasabay ang kabawasan sa ating ekonomiya na umabot sa PhP571.1 bilyong halaga na pinsala nito. Ang Tacloban ang isa sa mga pinakamalubhang naapektuan, kung saan mahigit 90% ng mga istruktura ay nawasak sa hagupit ng Super Typhoon Yolanda.

Isang dekada na ang nagdaan ngunit patuloy na nagmamartsa ang ating mga boses, buo at matatag, sa panawagan ng hustisya at pananagutan. Kasabay ng paggunita natin sa mga nasawi, namumutawi pa rin ang ating pag-alala at pighati sa patuloy na pagdurusa ng mga Taclobanon na laging tinatalikuran ng estado. Ipinagkakanulo tayo ng gobyernong matagal nang tumalikod sa tunay na interes ng taumbayan at nagpapanguna sa interes ng mga negosyanteng nagtataguyod sa mga proyektong sumisira sa kalikasan.

Sa kabila ng mga leksyon ng trahedya, tila bingi ang estado sa hinaing ng bayan. Mula sa mga mapaminsalang reclamation projects, sa mapangwasak na pagmimina sa Homonhon, sa kontobersyal na Cancabato Causeway Project, at marami pang ibang mapanirang proyekto sa Eastern Visayas, lumalabas na hindi natututo ang estado sa bantang dala ng kalikasan. Ano ang dapat pa nating ipaglaban? Ilang buhay pa ba ang dapat masakripisyo sa susunod na kalamidad bago sila mamulat sa pangangailangan ng tunay na maka-masa at maka-kalikasang mga patakaran?

Maliwanag na ang mga hakbangin ng gobyerno ay nagbabadya ng panganib sa mismong kaligtasan ng sambayanan. Sa bawat proyektong hindi isinasaalang-alang ang kalikasan at kapakanan ng mga tao, lalo tayong binabaon sa hukay ng kahirapan at pagdurusa. Ano pa ang kailangan? Ilang malalakas na bagyo pa ang dapat nating harapin bago seryosohin ng pamahalaan ang makabuluhang rehabilitasyon sa kalikasan at ng mga komunidad?

Sa mahigit isang dekada, patuloy na na nakikiisa ang hanay ng mga kabataan at estudyante sa Silangan Bisayas sa lahat ng mga biktima ng Super Typhoon Yolanda na hanggang ngayon ay patuloy na naniningil sa paulit-ulit na pagtalikod ng mga nagdaang rehimen sa mga biktima ng kalamidad.

Sa isang lipunang nagluluwal ng kasakiman, ang katarungan ay hindi kusang ibinibigay; itoโ€™y ipinaglalaban. Sa pagwawalang-bahala ng estado sa kapakanan ng sambayanan, ang tanging sagot ay makauring pakikibaka at ang pagtindig laban sa sistemang bulok na matagal nang nagpapahamak sa atin. Ang pinaka-mataas na uri ng pag-alala ay paglaban para sa mga inaalala. Hamon sa mga kabataang estudyante na makiisa sa paniningil ng pananagutan para sa lahat ng biktima ng kapabayaan ng estado. Huwag nating hayaang mabaon sa limot ang alaala ng Yolanda at ng bawat trahedyang idinulot ng palpak at sakim na gobyerno! Ang ating panawagan: katarungan para sa mga biktima ng kalamidad, hustisya para sa bayan, at isang lipunang tunay na makataoโ€™t maka-kalikasan!


๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐๐† ๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐๐’๐„๐‡๐Ž ๐๐† ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹, ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐, ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‘๐†๐€๐๐ˆ๐’๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐†๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐€๐˜๐€๐€๐ ๐‡๐ˆ๐๐†๐†...
05/11/2024

๐๐€๐†๐Š๐€๐Š๐€๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐† ๐๐† ๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐ˆ๐๐€๐๐† ๐Š๐Ž๐๐’๐„๐‡๐Ž ๐๐† ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹, ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐, ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‘๐†๐€๐๐ˆ๐’๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐†๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐€๐˜๐€๐€๐ ๐‡๐ˆ๐๐†๐†๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐‘๐€๐“๐’๐€๐ƒ๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐๐ƒ๐€๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐‘๐Ž๐“๐‚ ๐’๐€ ๐’๐„๐๐€๐ƒ๐Ž

MANDATORY ROTC, LABANAN! TUTULAN! HUWAG PAHINTULUTAN!

Nitong Setyembre, sa isang panayam ng DZBB 594 Super Radyo kay Senator Francis Tolentino, kinumpirma niya na niraratsada na ni Marcos Jr. ang pagsasabatas at pagbabalik ng Mandatory Reserve Officersโ€™ Training Corp sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ang Mandatory ROTC ay isang programang pangmilitar na may dalawang taong pagsasanay sa ilalim ng pamamahala ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa pagtatapos ng pagsasanay, ang mag-aaral ay itatalaga bilang bahagi ng AFP Reserve Force kung saan sila ay magsisilbing karagdagang pwersa upang suportahan ang regular na mga yunit ng AFP sa ibaโ€™t ibang tungkulin at sitwasyon. Gayunpaman, ang programang ito ay pinawalang-bisa matapos ang pagkamatay ni Mark Welson Chua, isang kadete mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, na naganap matapos niyang ilantad ang mga pag-abuso at kabuktutan sa loob ng ROTC, pati na rin ang iba pang mga kaso ng karahasan.

Kasama ang UP Tacloban Student Council at ang ibaโ€™t ibang konseho, publikasyon, at organisasyon sa Silangang Kabisayaan sa nagkakaisang tinig kontra sa makapasistang pagtatangka ng administrasyon upang i-militarize ang ating mga institusyon at sistema ng edukasyon.

Sa kabila ng samuโ€™t saring budget cuts sa edukasyon, sa kawalan ng student spaces, mga atake sa boses ng kabataan, sa pagpapatahimik ng mga publikasyonโ€”nakita natin kung papaano tayo binaon lalo ni Marcos Jr. sa hukay dahil sa pag-uuna niya at ng kaniyang mga alagad sa MROTC imbis na solusyonan ang mga isyu na kinakaharap hindi lang ng mga estudyante at kabataan kundi ng masang api.

Isa lamang itong manipestasyon ng maling prayoritisasyon ng administrasyon at kawalan nito ng pandinig sa mga hinaing ng mga mamamayan. Dagdag gastos lamang ito at pabigat sa bulsa ng taumbayan at kanilang patong-patong na buwis na binabayaran. Nakikita naman natin kung papaanong kulang-kulang ang mga pasilidad, gamit, mga g**o, at iba pang mga propesyonal sa ating mga paaralan tulad ng mga psychologists at mga doktor. Kung ganito na nga ang estado natin, kung saan bukod sa wala na halos espasyo para sa mga estudyante e hindi pa maibigay ang isang tunay na libre at de kalidad na edukasyon, bakit pa natin ilalagak ang ating limitadong pondo sa mga programang hindi naman akma sa pagpapabuti ng kalagayan nating mga kabataan at komunidad?

Dagdag pa rito, kahit opsyonal na nga lang ang ROTC sa ngayon, hindi pa rin natitigil ang kultura ng karahasan at kurapsyon. Marami pa ring naitatalang kaso ng hazing, sexual assault, verbal, physical, at emotional abuses, maging pagkamatay ng mga estudyante. Hindi rin maikakaila na tulad ng nangyari noon, ang MROTC ay nagiging pugad ng panunuhol, โ€˜di makatwirang paniningil ng mga bayarin, at pagwaldas ng pondo sa maling paraan.

๐—ž๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป: ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—–.

Sa gitna ng ingay sa sumisidhing gyera sa West Philippine Sea, klaro na ginagawang reserve ang mga kabataan para gawin lamang mga tuta ng estado. Tayong mga kabataan ang iniipit sa pag-uumpugan ng mga imperyalistang bansa at kawalan ng tunay na independent foreign policy. Hindi nasyonalismo ang bulag na pagsunod. Hindi nasyonalismo ang pagiging papet at bahagi ng makinarya ng estado.



Batch Mayari proudly celebrates the achievements of our exceptional batchmates who successfully passed the ๐‚๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž...
20/10/2024

Batch Mayari proudly celebrates the achievements of our exceptional batchmates who successfully passed the ๐‚๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐„๐ฑ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง - ๐๐ž๐ง ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ฉ๐ž๐ซ ๐“๐ž๐ฌ๐ญ held last March and August 2024. We encourage you to keep striving for excellence in all your future endeavors, always remembering that true success is rooted in honor. ๐‘ณ๐’‚๐’ˆ๐’Š'๐’•-๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐‘ด๐’‚๐’š๐’‚๐’“๐’Š!

Congratulations! โค๏ธ

Captions by Mary Louise Caples
Publicity Material by Pamila Geli G. Loreto

๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ sa bagong ๐”๐ ๐“๐š๐œ๐ฅ๐จ๐›๐š๐ง ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง, ๐•๐ข๐š ๐€๐ซ๐ญ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ž! Malugod na ibinabahagi ng Batch Mayari ang pa...
02/10/2024

๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ sa bagong ๐”๐ ๐“๐š๐œ๐ฅ๐จ๐›๐š๐ง ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง, ๐•๐ข๐š ๐€๐ซ๐ญ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ž!

Malugod na ibinabahagi ng Batch Mayari ang pagbati sa ating bagong SC Chairperson na opisyal nang nanumpa sa kanyang tungkulin noong ika-30 ng Setyembre.

Kampante at tiwala kami na patuloy mong isusulong ang karapatan ng masang apiโ€”may tapang, talino, husay, at dangal, hindi lamang sa loob ng UP kundi maging sa mas malawak pang komunidad na iyong pagsisilbihan.

Kasama mo kami sa panibagong hamong ito. Muli, mula sa Batch Mayari patungong Konsehoโ€”isang taos-pusong pagpupugay sa iyong ipinamalas na tapang at husay!

๐‘ณ๐’‚๐’ˆ๐’Š'๐’• ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’!

Captions by Faith Alliahna Hilario
Publicity material by Paolo Lorenzo Lora

Si Mayari๐Ÿ‘ธ๐Ÿงšโ€โ™€๏ธ ay hindi lamang pala tumigil sa pag-collect ng walong dragon ballZ! Sinuong ๐Ÿ”niya with her slayfulness an...
28/09/2024

Si Mayari๐Ÿ‘ธ๐Ÿงšโ€โ™€๏ธ ay hindi lamang pala tumigil sa pag-collect ng walong dragon ballZ! Sinuong ๐Ÿ”niya with her slayfulness and katapangan ang buong UP Tac culture (culture??!!) sa pagnanais na makacollect pa ng maraming ballZ! Ay, si ballZ lover pala ito! (Kemz!) ๐Ÿคฃ๐Ÿ˜œ

At sakaniyang paglalakbay, siya ay nakatagpo ng siyam pang mga dragon ballZ!โœจโœจโœจ Itong siyam na bagong mga dragon ballZ ay pinaniniwalaan ni Mayari na mas makakatulong sa pagtupad ng mga hiling ng kaniyang nasasakupanโ€” ang Batch Mayari!๐Ÿ’…

Kung Ang iyong hiling ay magchampion sa Tugsayawit, matutupad iyan!โœจ๐Ÿคฉ Magchampion sa Ice Me Down? Kayang-kaya yan!๐Ÿ™ˆ๐Ÿ™ˆ๐Ÿ™ˆ Kasi, nandito na ang โœจfantastic nineโœจ additional dragon ballZ ni Mayari!




Pubmat: Pamila Loreto
Captions: MJ Vendiola

Kompleto na ng Batch Mayari ang walong dragon ballZ! Ano ang kanilang magiging hiling?! ๐Ÿ‘น๐ŸŒ™๐Ÿค™๐Ÿป Publicity material by Pamil...
17/09/2024

Kompleto na ng Batch Mayari ang walong dragon ballZ! Ano ang kanilang magiging hiling?! ๐Ÿ‘น๐ŸŒ™๐Ÿค™๐Ÿป



Publicity material by Pamila Geli Loreto

LIMAMPU'T DALAWANG TAON NA, KABATAAN, NAAALALA PA BA NATIN?Ang kabataang makabayan, ngayon ay lumalaban at inaalala ang ...
16/09/2024

LIMAMPU'T DALAWANG TAON NA, KABATAAN, NAAALALA PA BA NATIN?

Ang kabataang makabayan, ngayon ay lumalaban at inaalala ang madilim na nakaraan ng Martial Law, para wakasan ang panibagong mapanupil na sistema ng estado!

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at magpadalo sa dalawang mahalagang talakayan hinggil sa paggunita ng Martial Law at ang kasalukuyang itsura ng estadong kumokontrol sa atin:

Rise and Fall of the Marcos Dictatorship
Mercenary Traditions of the AFP

Sumama sa diskusyon ngayong Setyembre 17, 2024, sa Office of the Student Council, Library Building, DM Campus.

Kita-kits, mga iskolar ng bayan!

โ€”โ€”โ€”
In Partnership with:

UP Hingyap
UP Politikons
UP Vista Online
UPTC Batch Mayari
UPTC Batch Kagaris
UP Lente
Bahaghari - UP Tacloban Chapter
Gabriela Youth - Metro Tacloban
PULSO HAN MAG-AARAM



THE PEOPLE WILL NEVER FORGETAlthough 52 years have passed since the proclamation of Martial Law, the effects of the terr...
15/09/2024

THE PEOPLE WILL NEVER FORGET

Although 52 years have passed since the proclamation of Martial Law, the effects of the terrors and abuses of the regime of dictator Ferdinand Marcos Sr. remain. The people will never forget the tens of thousands of victims of human rights violations. The desaparecidos. The tortured. The silencing of the media and freedom of speech. Two decades worth of ill-gotten wealth. Hunger. The massacres of farmers in Sag-od, students, activists, and civiliansโ€”our countrymen who have been killed in the name of maintaining and centralizing power, control, influence, and grip on the nation and its coffers. Not only is it the greatest robbery of a government, but also the darkest and most violent abuse to the Filipino.

More than five decades later, our country has been crippled yet again by Marcos Jr., the Dutertes, and their political alliances. At a time when we are plagued by an education crisis, relentless imperialist influence on our foreign policy, poverty, basic goods no longer being accessible to the masses, persistent attacks on dissent, the media, and the campus press, a government that primarily serves the interests of the ultra-rich, the elites, and powerful corporations, a democracy failing to provide citizens with genuine freedom of choice, forced disappearances of activists, environmental defenders, students, and indigenous peoplesโ€”we have remained chained by the same leaders who swore to serve the masses.

There is no peace when there is no genuine justice. There is no peace when the attacks persist.

What Martial Law was before is what Terror Law and MO 32 are now. We have seen how these draconian laws and policies have been used to weaponize and silence the people who only ask for what is due and the bare minimum. Community leaders in schools and communities have been victims of trumped-up cases, profiling, illegal detention, surveillance, and other acts of fascism and collective oppression in the past years. We have seen how Bicol, Samar, and Negros have been put under the intensified presence of state forces. As Iskolar ng Bayan, we know all too well the chilling effect and unending barrage of attacks we have and are still continuously being subjected to after the unilateral abrogation of the UP-DND Accord, campus militarization, and now, the UP-AFP Declaration of Cooperation. But fear has never stopped the movement.

As we commemorate , join us in the month-long series of activities and events organized by the UP Tacloban Student Council, UP Hingyap, UP Politikons, and UP Vista and supported by various college student organizations.

September 16: Holy Mass at the Multi-Purpose Building

September 17: Pagtigaman: Remember Martial Law

September 18: UP Systemwide Day of Action against UP-AFP Declaration of Cooperation

September 19-20: Pelikulaban: Film Showing at the AS Conference Room

September 20: Black Friday Protest, Candle Lighting, and Paghinumdom: Martial Law 52 Cultural night at the Centennial Garden

September 21: Multisectoral Mobilization

In the line of fire, it is our duty to resist. Together, with the people, we push back.

52 years of Never Again!
52 years of Never Forget!

_____

In Partnership with
UP Hingyap
UP Politikons
UP Vista Online
UPTC Batch Mayari
UPTC Batch Kagaris
Bahaghari - UP Tacloban Chapter
Gabriela Youth - Metro Tacloban
PULSO HAN MAG-AARAM



43 years after the state forces' brutal massacre of farmers in the barrio of Sag-od, Las Navas in Northern Samar, we rem...
12/09/2024

43 years after the state forces' brutal massacre of farmers in the barrio of Sag-od, Las Navas in Northern Samar, we remember and continue to demand justice!

This incident, along with other countless human rights violations and atrocities during the fascist rule of Marcos Sr. under Martial Law, still remain unresolved, perpetrators and suspects remain unpunished. Even after 40 years, similar heinous attacks to farmers still persist today under the guise of Terror Law and Memorandum Order 32.

Never again! Never Forget! Join the candle-lighting protest and wear black as we collectively remember the victims of Sag-od massacre and condemn state terrorism and militarization!

This September 13, 2024 together with UP Hingyap at 4:00-5:30 PM
Pili Tree, AS Grounds, UP Tacloban College


Batch Mayari is proud to endorse our outgoing Batch President, ๐—ฉ๐—ถ๐—ฎ ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ด๐˜‚๐—ฒ, in her campaign for ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ...
08/09/2024

Batch Mayari is proud to endorse our outgoing Batch President, ๐—ฉ๐—ถ๐—ฎ ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ด๐˜‚๐—ฒ, in her campaign for ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป in the upcoming ๐—จ๐—ฃ ๐—ง๐—ฎ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ.

We have witnessed firsthand your capability, competence, and commitment as a leader. As our direct link to the student council, you ensured that our batchโ€™s concerns were heard and addressed. Your success in fostering inclusivity and promoting collaboration has been evident, and we trust that you are well-prepared to serve the entire student body.

It is with great honor that we support you in this new endeavor. Your tenure as Batch President has exemplified accountable and transparent leadership, and this transition will allow you to extend your impact and serve a larger community.

๐™๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ซ๐™ค๐™ž๐™˜๐™š๐™ก๐™š๐™จ๐™จ, ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™š๐™ง๐™จ๐™š๐™ง๐™ซ๐™š๐™™, ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฅ๐™š๐™ค๐™ฅ๐™ก๐™š โ€” ๐™‘๐™ž๐™–! โœŠโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ



Publicity Material by Pamila Geli Loreto
Caption by Mary Louise Caples

Address

University Of The Philipines Tacloban
Tacloban City
6500

Opening Hours

9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPTC Batch Mayari posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UPTC Batch Mayari:

Shortcuts

Share