29/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ฎ ๐จ๐ฃ ๐จ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ก๐จ๐๐ก๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐ฅ๐๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐จ๐ฃ ๐ง๐๐๐๐ข๐๐๐ก
Isang mahalaga at makasaysayang tagumpay para sa buong komunidad ang pag-apruba ng UP Board of Regents sa pag-angat ng estado ng UP Tacloban bilang ika-siyam na Constituent University ng UP System. Ang tagumpay na ito ay pagkilala sa deka-dekadang kahusayan, katatagan, at ambag ng pamantasan hindi lamang sa Silangan Kabisayaan kundi sa buong Pilipinas. Subalit, sa gitna ng pagdiriwang na ito para sa higit na awtonomiya ng pamantasan, kaakibat pa rin ang mga problemang matagal nang nakabinbin, ang kakulangan sa espasyo, kagamitan, at pati na ng mga g**o. Higit pa rito, may isang malaking bahagi ng unibersidad ang nananatiling nakakulong sa kadilimanโang ating demokratikong representasyon.
Sa pagpasok ng UP Tacloban sa bagong yugto bilang isang ganap na CU, isang malaking kabalintunaan na ang kasalukuyang College Student Council ay nananatiling bakante, bungi-bungi, at paralisado. Ang paglawak ng mandato ng unibersidad ay dapat na kaakibat ng pagpapalawak ng demokratikong espasyo sa mga mag-aaral.
Sa naganap na konsultasyon sa konseho ng magaaral sa UP Tacloban, inihayag ang kawalan ng konsultasyon ng OSA sa mga estudyante at Student Electoral Board sa inilabas nitong Election Calendar. Isa pa ay ang hindi pagtanggal sa probisyong nagbabawal sa mga estudyanteng may gradong 4 at 5 na tumakbo sa eleksyon. Sa kasalukuyan, may 7 miyembro lamang ang UP Tac SC, kasama ang 5 ex-officio members. Ito ay malayo sa 21 na posisyon na nakasaad sa kanilang konstitusyon.
Iilan lamang ang mga nabanggit sa mga suliranin na kasalukuyang kinakaharap ng mga estudyante ng UP Tacloban. Paano natin matatawag na ganap ang pag-unlad ng pamantasan kung ang boses ng pinakamahalagang sektor nitoโang mga estudyanteโay walang opisyal at lehitimong kinatawan?
Sa ilalim ng pagbabagong ito, mas higit na kinakailangan ang isang matapang at malayang Konseho. Kung walang eleksyon, hinahayaan nating ang administrasyon lamang ang magtakda ng direksyon ng bagong CU nang walang pagkilala sa tinig ng bawat Iskolar ng Bayan.
Ang KASAMA sa UP ay nananawagan na ilunsad agad ang isang malaya at bukas na eleksyon upang ihalal ang kauna-unahang University Student Council, tiyakin ang demokratikong partisipasyon sa bagong CU, at pagalawin ang kolektibong aksyon ng mag-aaral. Tayo ay magbabantay sa mga kaganapan at patuloy na magoorganisa upang masig**o ang isang student-centered na eleksyon. Ang KASAMA sa UP ay naniniwalang hindi tayo pumapasok sa Unibersidad ng Pilipinas upang maging pasibong tagamasid lamang sa mga pagbabago. Ang kasaysayan ng UP Tacloban ay kasaysayan ng pagtindig, paggigiit, at paglaban. Kung kayaโt sa panahong ito ng transisyon, hindi natin hahayaang maiwan sa laylayan ang batayang karapatan ng bawat mag-aaral.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ง๐ฎ๐ฐ๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ป!
๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐๐ถ๐๐๐ฒ๐ป๐ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐, ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ด๐ฎ๐!