25/03/2026
Sa mga nagdaang buwan, hindi na maitatanggi ang lumalalang mukha ng pasismo sa ating lipunanโisang estadong kayang ikulong ang kabataan dahil lamang sa kanilang pagtindig at pagsasalita. Ang nangyari sa Tacloban 5 ay malinaw na patunay na nagiging krimin ang pagiging mulat, at pinarurusahan ang kabataang may lakas ng loob na lumaban.
Habang bilyon-bilyong pondo ang kinukurakot at ibinubulsa ng iilan, patuloy namang kinakaltasan ang budget para sa edukasyon. Mga silid-aralang kulang sa pasilidad, estudyanteng hirap makapag-aral, at kabataang pinipilit patahimikinโito ang sistemang pinoprotektahan ng estado.
๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ข๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฎ๐๐.
Ngayong Sportsfest, ang Batch Bidhaya ay hindi lamang nakikilahok sa paligsahanโkami ay nakikiisa sa laban ng kabataan laban sa pandarambong at panunupil. Ipinapakita namin na ang tunay na lakas ay hindi lamang nasusukat sa pisikal na kakayahan, kundi sa tapang na tumindig laban sa mali.
Mariin naming kinokondena ang pasistang estado na gumagamit ng dahas, pananakot, at mapanupil na mga batas upang patahimikin ang mga estudyante at aktibista. Hindi krimen ang mag-isip. Hindi krimen ang magsalita. Hindi krimen ang lumaban para sa karapatan.
Sa halip na tugunan ang krisis sa edukasyon, pinipili nilang supilin ang kabataan. Sa halip na panagutin ang mga tiwali, inuusig ang mga naglalantad ng katotohanan.
๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ. ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐๐ข๐๐ .
Palayain ang Tacloban 5!
Hands off student activists!
Junk Terror Law!
Junk MO 32!