25/02/2026
๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ผ๐, ๐ฟ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐! ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐!
Sa panahong sinusubok ang ating paninindigan sa lumalalang krisis panlipunan, muli nating pag-alabin ang diwa ng EDSA o ang People Power Uprising.
Ang EDSA ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi paalala ng kapangyarihan ng nagkakaisang mamamayan laban sa diktadurya at korapsiyon. Ang kalayaan, karapatan, at demokrasiya na tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang at militanteng pakikibaka ng mga Pilipino noon na ipinaglaban ang ating bansa. Ngunit, unti-unting umuulit ang nakaraan, at may mga pagtatangkang burahin ang kasaysayan at supilin ang tinig ng nagkakaisang mamamayan. Sa harap ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalagang ipakita natin na tayo ay mulat, may pakialam, at handang manindigan para sa katotohanan at pananagutan.
Kaya mamayang ๐ญ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ , sama-sama tayong tumindig at lumaban ulit sa kalsada! Ipakita ang militanteng diwa ng kabataan para sa pagbabagong panlipunan!