Kapisanan ng Mga Mag-aaral sa Filipino

Kapisanan ng Mga Mag-aaral sa Filipino The official page of SKSU-ACCESS KAMAGFIL

Alica Schmidt โค
25/04/2024

Alica Schmidt โค






























Alica Schmidt โค
18/03/2024

Alica Schmidt โค

01/03/2024
"๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป"Pagtamyaw sa mga mapanlikhang kaisipan na nag-uumapaw sa ideyang m...
26/02/2024

"๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป"

Pagtamyaw sa mga mapanlikhang kaisipan na nag-uumapaw sa ideyang malalim, mga kamay na iginuguhit ang karanasan gamit ang pluma't papel, galaw at tindig na ibinibida sa pamamagitan ng angking galing.

Narito ang iba't ibang patimpalak na susukat at magpapatalas sa kakayahan, talento, at karunungan ng mga magigiting na Makata!

Mga Patimpalak:
๐Ÿ“FIL-imahinasyon
๐Ÿ“Pagsulat ng Sanaysay
๐Ÿ“Dagliang talumpati
๐Ÿ“Pagkukuwento
๐Ÿ“Balagtasan
๐Ÿ“Sabayang pagbigkas
๐Ÿ“FIL-ing tunado
๐Ÿ“Parada ng Tauhan

Anong kapuluan kaya ang mananaig?

Halina't makisaya, mga malikhaing makata!
______________________________________
Tagapayo: Noraina M. Aguil, MAT
Punong Editor: Jiessa Pangantihon
Kredito kina: Ina Philomina Abad, Devina Nonato, at Jessabelle Guimban

Handa na ba ang lahat? Aling pulo kaya ang mangunguna sa mga patimpalak na ito? Ang Luzon ba? Visayas? O Mindanao? Kanin...
26/02/2024

Handa na ba ang lahat?
Aling pulo kaya ang mangunguna sa mga patimpalak na ito? Ang Luzon ba? Visayas? O Mindanao? Kaninong pangkat ang magwawagi?

Hali naโ€™t saksihan ang pagpapamalas ng angking galing at talento ng mga kasapi ng KAMAGFIL na magmumula sa kapuluang LUZVIMINDA. Maglalaban-laban ang bawat pulo upang mapatunayang sila ang karapat-dapat na magwawaging pinakamahusay sa larangan ng wika, sining at panitikan sa lahat ng pangkat.

Magbuklod at magkaisa tayo sa pagtataguyod ng ating wika at panitikan. Palatuntunan ay ating paghandaan.

______________________________________
Tagapayo: Noraina M. Aguil, MAT
Punong Editor: Jiessa Pangantihon
Kredito kina: Izle Kaye Paclibar, Lherie Mae Arado at Devina Nonato

Pinagbuklod-buklod ng tadhana, pinag-isa ng isang wika. Mabuhay mga Makata! Maayong adlaw! Mapia a gay! Magandang araw!N...
21/02/2024

Pinagbuklod-buklod ng tadhana, pinag-isa ng isang wika. Mabuhay mga Makata! Maayong adlaw! Mapia a gay! Magandang araw!

Ngayong ika-1 ng Marso 2024 ay gaganapin ang Araw ng KAMAGFIL na naglalayong ipamalas ang angking galing at kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa iba't ibang larangan. Halina't makibahagi, makiisa sa gaganaping palatuntunan na may temang "Filipino at Katutubong Wika: Wikang Tagapagtaguyod ng Panitikang Pilipino."

Ipamalas natin ang ating galing. Itaguyod natin ang ating wika at panitikan. Ipagmalaki at tangkilikin ang sariling atin.

______________________________________
Kredito kina: Jiessa Pangantihon, Jarges Akmad, at Devina Nonato

Lubos na nagagalak ang lahat ng kasapi ng KAMAGFIL sa parangal na inyong nakamit sa ginanap na University Academic Recog...
19/01/2024

Lubos na nagagalak ang lahat ng kasapi ng KAMAGFIL sa parangal na inyong nakamit sa ginanap na University Academic Recognition Day sa bulwagan ng SKSU, Enero 18, 2024 na may temang โ€œPursuing Excellence: 14 Years of Innovation, Growth, and Community Impactโ€.

Pagbati sa lahat ng Makatang nakatanggap ng parangal. Ipagpatuloy ang pagsusumikap para sa inaasam na tagumpay.

________________________________________________
Kredito kina:
Jarges Akmad, Jessabelle D. Guimban, at Jiessa S. Pangantihon

Idineklara ng ating dating Pangulong si Elpidio Quirino sa ilalim ng Republic Act No. 229 at sa unang pagtibay ng Philip...
30/12/2023

Idineklara ng ating dating Pangulong si Elpidio Quirino sa ilalim ng Republic Act No. 229 at sa unang pagtibay ng Philippine Commission Enacted Act No. 345 ni Pangulong Emilio Aguinaldo na ang araw ng Disyembre 30 ay komemorasyon ng pag-alaala sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Ang kasaysayan man nating mga Pilipino ay dumanak ng luhaโ€™t dugo, hindi maitatangging ang kalayaan natin ngayon ay nagmula sa mga bayaning nagsakripisyo ng kanilang mga buhay.

Maligayang ika-127 na araw ni Rizal sa lahat!

Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa opisyales at mga kasapi ng KAMAGFIL para sa lahat ng BSED FILIPINO na pumasa...
09/12/2023

Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa opisyales at mga kasapi ng KAMAGFIL para sa lahat ng BSED FILIPINO na pumasa sa Licensure Examination for Teachers noong Setyembre 2023.

Ang inyong tagumpay ay bunga ng inyong galing, sipag at determinasyon sa pagkamit ng inyong hangaring maging ganap na g**o. Mabuhay kayong lahat mga Makata!

Isang pagbati sa mga mag-aaral ng BSED Filipino na lumahok sa mga patimpalak sa ginanap na MASTS 2023 sa USM, Kabacan no...
27/11/2023

Isang pagbati sa mga mag-aaral ng BSED Filipino na lumahok sa mga patimpalak sa ginanap na MASTS 2023 sa USM, Kabacan noong Nobyembre 21 - 25, 2023. Ipinagmamalaki kayo ng buong KAMAGFIL sa inyong ipinakitang husay at galing.


Address

EJC Montilla
Tacurong
9800

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639676418203

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng Mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Kapisanan ng Mga Mag-aaral sa Filipino:

Share