The SLSU - JGE Confessed Files

Kung meron man kayong gustong iconfess about school, family, friends, lovelife at kung ano pa man yan, FEEL FREE to confess here. Just PM us or you may send your confession at: https://docs.google.com/forms/d/1B06q3Ca2aeUEfLfDMga1XJMpES9m9J_XDG_s8aNNjPQ/viewform, all the Admins here are trustworthy, di naman sila mgiging Admin kung bulgalera/bulgalero sila. We will hide your identities, it depends also kung gusto niong ilagay ung names nyo.

13/09/2017

Rainbow After the Rain

Hi guys. It's my first time, so please bear with me. Thank you din sa magbabasa. 😊

I met him in school, we were both freshmen. I was a BSEd student while he was a BSIT student back then. We started knowing each other in a typical way, text conversations because unlike other college girls na pwedeng maglakwatsa anytime after class ako hindi. Kaya wala akong time para makipagusap sa kanya outside the school kaya text or call na lang talaga. Hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob, he started asking me out. Liligawan niya daw ako. At first, ayaw ko kasi tingin ko hindi magwowork. But he insisted, and he's willing daw to exert effort. Hanggang sa pumayag na din ako, as the famous saying goes ''there's no harm in trying''. Totoo naman yung sinabi niya, nag-effort sya, nang sobra.

(fastforward)
Until one day, naging official ng ''kami'', wala ng SIYA, o AKO lang, KAMI na talaga. Hahaha. Our relationship was such a rollercoaster ride. Ang daming ups and downs. I was such an impulsive brat, whenever we had fights, nakikipagbreak ako sa kanya. At hindi siya pumapayag. Iiyak siya, then beg for me to stay. He even introduced me to his family and relatives, and somehow became close to them.

One day, sa paranoid ko, I checked his fb account. Nabasa ko yung thread ng convo nila ni 'ate girl', nakikipagflirt siya. Nagalit ako ng sobra. Ang dami kong nasabing masasakit na salita sa kanya. I broke up with him. Siya naman tong may ayaw, he cried and begged. Pero I stayed firm. Turned off my phone overnight. And that moment changed our relationship. Siguro natauhan siya, after collecting advices from his friends (?) I tried to save our relationship, oo nasa huli ang pagsisisi. Hahaha. And what's even worse is that, the day we broke up was the day before our first anniv. I ended our almost because I saw in his eyes that certain feeling na ''ayoko na'' kahit hindi niya sabihin. Kaya inunahan ko na siya.

My world went upside down. Nawalan ako ng interes sa studies ko, nagbisyo (yosi, alak). Iyak every night bago matulog. Absent minded. Basta lahat ng mga signs ng heartbroken, except pagiging suicidal guys. Lol.

After a couple of months, yung nilalandi niya sa fb naging gf niya. Oh di ba tama ako, woman's instinct. Hahaha. Yes, masakit. Every single day seems a torture. At mas torture yung alam mong hindi mo pa siya kayang palitan.

Then, one morning, I decided to put all my interest and focus on my studies, school activities, friends, and God. Since I know in myself that I am not yet ready to commit again, kaya sabi ko sa sarili ko ''mag-aaral na lang ako at ipapakita kong I'll be better even without him in my life.'' Hanggang sa hindi ko na siya naiisip kasi sobrang busy ako. Hanggang sa unti unti ng nawala yung nararamdaman ko sa kanya.

During my moving-on days, may mga guys na nagtatry ng luck nila to court me but none of them were permitted. Kasi nga hindi pa ko ready. So I would always pray ''I'm not in a rush, basta sana po kung dadating na siya, siya na ang last. Alam mo na po Lord kung anong gusto ko sa lalaki. I'm willing to wait.''

'twas my last year in college. I met this man in the most unexpected way. At first, I don't want to know him, but I ended up doing so. At hindi ko din alam kung bakit. Hahaha. I feel comfortable when I'm with him. Niligawan niya ko. Nag-effort kahit magkalayo kami. Made me feel loved every second of the day. I realized nasa kanya lahat ng qualities na gusto ko at pinagdasal ko kay God. Hihihi. At ngayon going 3 years na kami and still stronger as ever.

Para kay past, thank you kasi kung hindi dahil sayo hindi ko mamimeet si present. At hindi ako mapupush mag-aral nang mabuti to prove to you that I can be a better person without you. And because of that, I was able to graduate with flying colours. Yey! Even so, I hope you are happy now with your life.

To my present, Mahal, you are my 'Rainbow after the rain', because after all the painful experience I had, I met you. God gave you to me. You are my 'answered-prayer'. ❀ Thank you for making me not just a better person but the best person I could ever be.

Thank you guys for reading. I hope you can find your own version of 'rainbow'. Spread the love. God bless. πŸ’–

Teacher Taray
CTE 201*
09132017
SLSU-JGE

10/09/2017

Hi Admin sana po ma post to...

Okey may nauna na ngpost nitong concern ko, pero ito ay saloobin, opinion, napapansin at tanong ko.............Isang taon nang mahigit ang nakalipas , YEARBOOK, DIPLOMA AT ALUMNI ID na yan kaylan ba nmin makukuha ???Ilang ulit na kaming ngpabalik balik sa school tas wala clang maibigay na matinong sagot ???Bat ganyan kaganda ang pamamalakad ng eskwelahan na yan...?sorry pero bat ganun ??? Tanung ko lng ulit ilang taon naba kaung ngpapagraduate? Pero bat ganun hangang ngaun parang ndi pa ri kau handa ? Ang alam ko basta cleared n lahat ng bayarin mo sa school ryt after da graduation mairelease na yang mga yan.......pero bakit ??taon na binilang ???wala pa rin ??

Isa sa dahilan nila dadalhin pa sa main para mapirmahan, lang ya nmn o taon ba kylngan para lng mapirmahan yan ????tinta at ballpen lng nmn kylngan nun ah....!dun tau sa realidad na palagi nilang dahilan na " ndi lng yan ang trabaho namin, marami kaming ginagawa" naiintindihan ko nmn un....pero isang taon n kaming umiintindi......ilang taon pa ba ???trabaho nio yan ilang taon nio na yang ginagawa...pakiusap nmn nakakapagud din pong mgpabalik balik......taon din po ang pinaghirapan nmin para makagraduate , dugot pawis din po puhunan nmin, para makatpos, tapos pagkuha ng mga papel maduguan pa rin ??

Kung hindi nmn po kylngan di nmn nmin kau papahirapan , pero sa pag-aaply po diploma po ang isa sa unang hinahanap kung di nio po alam..........

Okey ndi ntin maiiwasang my mgcomment dito kng maipost to na "Sus kahit walang documento basta may utak ka makakahanap ka ng magandang trabaho" , o kaya nmn "basta talented ka makakakuha ka ng trabaho" ang tanung kng wala ??panu kng di matalino katulog ko ?pano kng walang talent katulad ko ??pano kng nakagraduate lng ako kc ngtsaga ako ??? Na kylngan nmin ng maiipakitang documento kc ung lang ang meron kami dapat pero wala ei......SHOUT OUT LANG PO PAKIUSAP NMN GAWAN NIO NMN NG PARAAN..

----
09102017
SLSU-JGE

09/09/2017

Sana mapost admin

"HI"

Gusto ko lng mag HI kay Princess guia iglesia pa mention naman sya kong cnong nakakakilala sa kanya Im not from SLSU nakita ko lng yong page kaya naisipan ko magmessage. So ayon nga sana replyan mo na ako sa mga chat ko like HI, HELLO, GOODMORNING, Ingat ka, Kain ka na po.
Ok lng naman maseen ehh pero mas maganda parin talaga may reply.


PUP lopez
4th year (regular)
Loyal

----
SLSU-JGE
08092017

04/08/2017

'Para kay Angelo'

Sana napansin na kita noon pa, edi sana tayo na! πŸ˜‚ Haha assuming!

Graduated1617
08042017
SLSU-JGE

-Nemo
15/06/2017

-Nemo

10/06/2017

"Gusot"

Maraming tanong ngunit kokonting sagot
Gumugulo sa isipan na tila'y isang gusot
Susubukan bang maayos?
O sasabay na lang sa tubig na umaagos?
Agam-agam na namuo sa aking isipan
Na punong puno ng alitan
Paulit-ulit na lang ba ang sakit?
O tatapusin para wala ng masambit?
Heto't nananatiling nagiisip
Namumugtong mata na pilit ng pumipikit
Sasayangin na lang ba ang nagdaang sumapit?
O pilit ng kakapit?
Marami pang taon ang dadaan
Titingnan kung hanggang saan
Pagmamahal mo ang tanging sandalan
Sana'y di maging isang alaala na lamang

- jeheysi
SLSU-JGE
06102017

27/05/2017

"GO NEGOSYO"
Nakakainis lang po tlga ung ilang teacher na ginagawang negosyo ang exam.
Aware po ang mga estudyante na mura lang ang photo copy kung marame LALO NA KUNG MANINIPIS.. Eh halos pagsinulatan mo halos bumakat na dun sa ssunod na 4 pages pa..
Un po kasi prof namin na nagmana tlga yata sa nanay nya o kaibigan nya. Nko wlang habas ,gawing negosyo ang test paper..
Ok lng nmn po mgbayad ng kahit mgkano when it comes to test paper as long as quality nmn kahit papano ung papel.. (Eh kaso nd po talaga) mas makapal pa ung tracing paper na ginagamit sa drafting.. =_=……
Dapat po talaga hindi teaching profession pinasok ni Ma'am. Printing press na lang po .sana makarating kay ma'am..

Maawa ka po sa ballpen khit wag na samin.bigyan nio po sana ng matinong papel ang ballpen namin..

Wag nio napo gayahin yung bantay bata sa pagarapon nio ng barya..

Matanglawin
SLSU-JGE
05/26/17

24/04/2017

"Customer is always right"

Hello readers, siguro naman sa title palang may idea na kayo kung about san toπŸ˜‚ Nainis lang ako dun sa isang employee ng "printing shop" sa bayan. HAHAHAHA EMPLOYEE ha, buti sana kung s'ya ang may ari e, grabe lang talaga sa lakas ng hangin at sobrang yabang, feeling pogi HINDI naman, kung makatrato sa customer parang tao lang na nagsosolicit yung sinasabihan n'ya pero kahit nagsosolicit lang dapat itrato ng ayos kahit bilang kapwa tao man lang pero sige baka naman kasi hindi s'ya tao!! πŸ˜‚πŸ˜‚ Alam mo yung nagpapaprint ka tapos manghihingi ka lang ng favor in a nice way pero iba na agad yung tono ng pananalita n'ya, hays! Feeling n'ya s'ya yung may ari at kung paalisin kami para kaming mga asong pinagtabuyan, "Umalis na daw kami dun at ang iingay daw namin" o kaya naman "Umalis na daw kami at nakakasira daw kami sa paningin nila" Minsan pa nga kung makapanglait sa mga kasamahan ko o sa akin din mismo below the belt na! HAHAHAHA πŸ˜‚ Alam mo po, kung patuloy yang kakaganyan mo sa customer, imbis na madagdagan yung customer n'yo lalong mababawasan dahil sa pag-uugali mo, kahit matanda kung itrato mo wala man lang kagalang-galang porket nagtatanong lang kasi di nila alam, minsan pati teacher ganun ka! Hays, ayusin mo po!

PS. Shout out dun sa dalawang kasamahan n'ya, ambabait n'yo po sana pakituruan ng paggalang yung isa n'yong kasama!

-TinkerbellπŸ‘Ό
SLSU-JGE
04242016

06/03/2017

Dear.SLSU Main Campus and SLSU-JGE ..

Hndi na kami umaasa na agad agad maKukUha nmin yong YearBook nmin .. PLease kahit yOng dipLoma naLan po mUna ..maY bagOng ggRaduate naLan uLit na batcH waLa padin ung diPLoma namin haha naGBaYad naMan po kaMi ng Maaga sa Masungit na Cashier ng JGE haha

Batch 2016
SLSU-JGE
03062017

11/02/2017

Walang Title

Nakalimutan ko na kung san tayo unang nagkita
Nakalimutan ko na kung pano tayo nagkakilala
Nakalimutan ko na na minahal kita
Nakalimutan ko na.
Lahat ay limot ko na
Tanging sakit na lang na dulot nito ang aking naaalala

Nung mga panahon na akoy dumudugo
Nung mga panahon na nanghihina dahil sa mga sugat na natamo
Dumating ka para saklolohan ako
Para gamutin ako
Dumating ka at naging karamay ko

Ikaw na nagturo kung pano bumangon muli
Ikaw na nagturo kung pano magmahal muli
Ikaw na nagturo na dapat lahat ng sakit ng kahapon ay tuluyan nang isantabi at ikubli
At Ikaw
Ikaw na Minahal ko.

Sa panandaliang pagtuturo at panggagamot mo'y tuluyang gumaling ako
Sinunod lahat ng payo at reseta na hinabilin mo
Oo
Gumaling ako.
At sa pangalawang pagkakataon,
NAHULOG AKO

Sa aking G**O..
SAYO

Nahulog ako at pinaramdam mo na sinalo mo ako
Nahulog ako at bumagsak sa mga bisig mo
Sinalo mo ako
At sa pagsalo moy di na ko bumitaw
Mali!
Hndi ko pala kayang bumitaw

Nakalimutan ko na kung ano nangyari
Yung dating kay tamis ngayoy tila nawalan ng lasa
Ang naaalala ko lang
Ay pagod ng kong sumugal at umasa

Umayaw ka
Umayaw ako
Umayaw ang tadhana
Wala na
Ang dating wala ay nauwi sa wala
Wala nang TAYO
Wala na lahat
Ang tanging natiray IKAW at AKO
Na HNDI KONEKTADO

Pero bago ko sinabi na AYAW KO NA
Ilang milyong beses ko munang sinabi na KAYA KO PA.

Binitawan kita
Binitawan kita sa pagaakalang akoy hahabulin mo pa
Ngunit hndi na
Tapos na
Lahat ng akala koy nauwi sa Sana
Na sana hinabol mo ako
Na sana sa aking paglayo ay pinigilan mo ako
Na sana
Sana tayo pa

Sana hndi mo na ko ginamot nung umpisa
Sana hndi mo na ko tinulungan nung una mo kong nakita
Sana tuluyan mo nang pinatay at di na pinaranas ng saya.
At sana
Maisip mo na meron din akong halaga

Pero salamat
Salamat sa pagiging mabuting maestra
Salamat sa pagturo kung pano muling sumaya at tumawa
Salamat sa pagtuturo ng mali at tama
Salamat sa lahat lahat
Halos lahat sa akin ay naturo mo na
Maliban sa KUNG PANO MABUHAY NG WALA KA.

Kaya Mahal, Masaya ako
Dahil kahit sa konting panahon
Alam ko
NAPASAYA KITA.

Mr. Crabs
02172016

31/01/2017

"JUDGER"

Daming bashers ni Maxine! Ikaw nga di man lang mapiling muse sa classroom nyo! Hanggang cleaners ka lang.

###
SLSU-JGE
01312017

Address

Barangay Rizal
Tagkawayan
4321

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The SLSU - JGE Confessed Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share