21/08/2026
๐๐๐๐๐ก๐๐ซ ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐ง๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐
Sa diwa ng pagmamahal sa sariling wika, kultura, at pagkakakilanlan, matagumpay na nakilahok ang Teacher Education Program ng St. Maryโs College of Tagum Inc. sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na ginanap sa Mother Ignacia Multi-Purpose Hall nitong Agosto 20, 2026.
Sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ naging makulay at makabuluhan ang pagdiriwang na nagsilbing pagkakataon para sa mga mag-aaral na maipamalas hindi lamang ang kanilang mga talino at talento, kundi maging ang kanilang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Nahahati ang selebrasyon sa dalawang sesyon, umaga at hapon, na binubuo ng mga paligsahang per program at per cluster. Sa mga paligsahang nakalaan para sa bawat program, ipinamalas ng mga kinatawan ng Teacher Education ang kanilang kakayahan sa ibaโt ibang larangan.
Sa Pagsulat ng Sanaysay, binigyang-diin ni Angela Shanne S. Almeda ang Filipino bilang midyum ng pagpapahayag ng katotohanan, kaya naman nakamit ng programa ang ikatlong gantimpala.
Samantala, sa Paggawa ng Poster, namukadkad ang pagkamalikhain ni March Hazel Jacalan, na naihatid ang mensahe ng pagdiriwang sa pamamagitan ng kaniyang likhang-sining, dahilan upang makamit ang ikalawang gantimpala.
Pinatunayan naman nina Kyron Kenneth Ganzon at Sharmaene Caรฑido sa Tagisan ng Talino ang lawak ng kanilang kaalaman tungkol sa wika, kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlang Pilipino, kaya naman naitanghal ang Teacher Education bilang unang gantimpala sa naturang kompetisyon.
Sa Parada ng Kasuotan, higit pang ipinamalas ni Angel Senangote at George Russel Pepito ang pagpapahalaga sa yaman ng kultura ng Mindanao. Tampok ang kasuotang kumakatawan sa mga Manobo, isa sa mga pinakamalaking katutubong pangkat ng Mindanao. Dahil dito, nasungkit ng Teacher Education Program ang unang gantimpala.
Ngunit, hindi lamang sa mga paligsahang per program nasilayan ang husay ng Teacher Education. Sa mga kompetisyong isinagawa per cluster, nakipagtulungan ang mga mag-aaral mula sa Teacher Education, BSTM, BSHM, at BSCRIM upang katawanin ang espiritu ni San Lorenzo, isang modelo ng katatagan.
Sa Balak, isang malikhaing pagtatanghal ng tula na nagbigay-pansin sa mayamang kultura ng Bisaya, nakamit ng cluster ang ikalawang gantimpala.
Sa Isahang Pag-awit, buong tapang na nakibahagi ang kinatawan ng cluster, na higit pang nagbigay-buhay sa selebrasyon sa pamamagitan ng musika.
Samantala, naging masigla at puno ng tawanan ang mga Larong Lahi, kabilang ang Penoy Henyo, kung saan nakamit ang ikalawang gantimpala. Sa mga larong idinaos sa Junior High School Gymnasium, ipinakita rin ng cluster ang kanilang bilis, tiyaga, at pagtutulungan. Sa Maria Went to Town at Kadang-Kadang, nakamit nila ang unang gantimpala, habang sa Karera ng Sako, nakamit naman ang ikalawang gantimpala.
Sa Katutubong Sayaw, itinanghal ang Tiklos, isang sayaw mula sa Leyte na sumasalamin sa diwa ng bayanihan at pagtutulungan, at nakamit ng cluster ang ikatlong gantimpala.
Sa Sabayang Pagbigkas, ang pagtatanghal ng cluster sa โKung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayanโ ni Amado V. Hernandez ay umalingawngaw sa buong gymnasium, nagpapaalala sa lahat ng Marianista na ang kanilang presentasyon ay sumasalamin din sa mga katotohanang patuloy na kinakaharap ng lipunan. Dahil dito, naantig nila ang damdamin ng mga tagapakinig at nakamit ang ikatlong gantimpala.
Samantala, sa Interpretatibong Sayaw, isinalin sa galaw at damdamin ang awiting โTatsulokโ ni Bamboo at nagbunga ang kanilang pagtatanghal ng ikalawang gantimpala.
Sa mga kompetisyong nilahukan naman ilang araw bago ang kulminasyon, tulad ng Kurtureels, nagwagi ang Teacher Education ng ikalawang gantimpala, habang sa Banner Making Competition, nakamit naman ng cluster ang unang gantimpala.
Ang mga tagumpay na ito ay patunay sa kakayahan ng Teacher Education Program na magtagumpay hindi lamang bilang mga indibidwal, kundi bilang isang komunidad. Sumasagisag na ang lahat ng talino, talento, at kakayahang taglay at patuloy na pinauunlad ay hindi lamang para sa pansariling tagumpay, kundi para rin sa ikabubuti ng ating pamayanan at sa pagsusulong ng pagbabago sa lipunan.
Via | ๐บ๐๐๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Photo | ๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ & ๐ฐ๐๐๐๐ ๐น๐๐ข ๐๐๐๐๐๐๐
Pubmat | ๐ฐ๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐