03/08/2026
๐ต๐ญ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ต๐ญ
๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ating itinataas at ipinagmamalaki ang ating sariling wikang pambansa. Ito ay sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyong Pilipino na ating dala-dala saanman tayo magpunta.
Bagama't patuloy na dumarami ang iba't ibang wika at diyalekto, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya na naging daan sa paglaganap ng mga bagong balbal at salitang kalye, lalo na sa social media, nananatiling buhay sa ating mga puso at labi ang pagmamahal at pagmamalaki sa ating sariling wika. Patuloy natin itong ginagamit bilang sagisag ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Ngayong Buwan ng Wika, ating gunitain ang ating wikang pambansa nang may galak at pagmamalaki. Kasabay ng pagyakap sa makabagong teknolohiya, gamitin natin ang Artificial Intelligence (AI) bilang katuwang sa pananaliksik at tulay sa mas malawak na yaman ng impormasyon, habang patuloy nating pinagyayaman, pinahahalagahan, at isinusulong ang wikang Filipino para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
_______
๐จ: Jorielyn Villanueva Jorlucas