NEMSU Tandag - KMF & SNF Buwan ng Wikang Pambansa

Directions

NEMSU Tandag - KMF & SNF Buwan ng Wikang Pambansa ๐™ˆ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ, ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‰๐™€๐™ˆ๐™Ž๐™๐™–๐™ฃ! ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜๐˜‰ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜”๐˜ ๐˜ข๐˜ต ๐˜š๐˜•๐˜ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ž๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข ๐ŸคŽ๐Ÿชถ

31/08/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป!

Mula sa bawat salitang binibigkas hanggang sa bawat kulturang naipamalas, bawat sandali ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 ay kayamanan ng kuwentong ating pinagsaluhan.

Mga tinig na nagbigay-buhay, mga talento na namukod, at mga pusong nakiisa sa pagdiriwang ng ating wika, kultura, at pagkakakilanlan.

Tingnan ang paglalakbay na nagtapos, ngunit ang ating wika ay patuloy na nabubuhay, binibigkas, at nagbubuklod.

๐˜š๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜•๐˜Œ๐˜”๐˜š๐˜œ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด! ๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข. ๐˜”๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข!

๐Ÿ–‹๏ธ: Arnold Rivera
๐Ÿ“ท: Dannah Francine Marticion, Ruel Muรฑez, Catrina Faith Leones, Leah Abarico, at Annelyn Arcosiba
๐ŸŽฅ: Kent Jonard Uriarte, Philip Sapong, at Sheila Tomias
๐Ÿ’ป: Kent Jonard Uriarte


31/08/2026

Buong paggalang at taos-pusong pasasalamat mula sa North Eastern Mindanao State University ang aming ipinapaabot sa Kagalang-galang na Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino, ๐—”๐˜๐˜๐˜†. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ๐˜€-๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป.

Ang inyong pakikiisa at makabuluhang mensahe sa pagdiriwang ng buwan ng wika ay hindi lamang isang karangalan, kundi higit na naging makahulugan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sapagkat ang inyong mga mensahe ay nagsilbing paalala at inspirasyon na ang Wikang Filipino ang nananatiling puso at kaluluwa ng ating kaalaman, kultura, at pananaliksik. Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ (๐˜ˆ๐˜)at iba pang makabagong teknolohiya, malinaw ninyong ipinabatid na ang ๐˜ˆ๐˜ ay isang kasangkapan lamang na maaaring makatulong sa paglikha at pagpapalawak ng impormasyon, subalit hindi nito kailanman mapapalitan ang lalim, diwa, at pagkataong taglay ng ating sariling wika.

Lubos din naming pinahahalagahan ang inyong paglalaan ng panahon upang ibahagi ang inyong makabuluhang mensahe at malalim na pananaw, na nagpayaman sa ating pag-unawa at pagpapahalaga sa Wikang Filipino bilang mahalagang daluyan ng kaalaman, kultura, at pananaliksik.

Pakinggan po natin ang kanyang mensahe. ส•โ€ขแดฅโ€ขส”ใ‚โ˜†

30/08/2026

๐Ÿชถ๐ŸคŽ

๐—•๐—ก๐—ช ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผSa pagtatapos ng Buwan ng Wika 2026, nasungkit ng ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช...
28/08/2026

๐—•๐—ก๐—ช ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—น๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ, ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ

Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika 2026, nasungkit ng ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ang titulo bilang Pangkalahatang Kampeon matapos mangibabaw sa kabuuan ng mga larangan at patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng ating pagdiriwang.

Mula sa husay, talento, pagkamalikhain, hanggang sa pagkakaisa ng bawat kalahok, tunay na ipinamalas ng kanilang mga kinatawan ang tapang, galing, at pagmamahal sa wikang Filipino. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸคŽ

Narito ang Opisyal na Pangkalahatang Ranggo ng Limang Kolehiyo batay sa kanilang naging pagganap sa iba't ibang patimpalak ng Buwan ng Wika 2026.

๐Ÿฅ‡ KAMPEON: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜›๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ
๐Ÿฅˆ Unang Puwesto: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜š๐˜ค๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด
๐Ÿฅ‰ Ikalawang Puwesto: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜๐˜ฏ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜›๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜บ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ
๐Ÿ… Ikatlong Puwesto: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜Œ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜›๐˜ฆ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜จ๐˜บ
๐Ÿ… Ikaapat na Puwesto: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜‰๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต

Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga kolehiyong nakiisa, nakipagsabayan, at naging bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! ๐ŸŽ‰

Saludo sa inyong husay at galing! Mabuhay ang wikang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ





๐Ÿ–‹๏ธ: Bb. Shannelyn Tumilap
๐Ÿ–Œ๏ธ: G. Kent Jonard Uriarte

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—ช๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐— ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐ŸŽ‰๐Ÿ†Sa pagtatapos ng iba't ibang patimpalak, naipamalas...
28/08/2026

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—ช๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐— ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐ŸŽ‰๐Ÿ†

Sa pagtatapos ng iba't ibang patimpalak, naipamalas ng bawat kalahok sa magkakaibang kolehiyo ang galing, likas na kakayahan, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Narito ang mga nanalo sa bawat patimpalak na naging bahagi ng makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Taos-pusong pagpupugay sa lahat ng nagwagi, at maraming salamat sa bawat kalahok na nakiisa at nagbibigay-buhay sa ating pagdiriwang.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ
๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ! ๐ŸŽญ๐ŸŽจ




๐Ÿ–‹๏ธ: Bb. Fred Helbert G. Juagpao
๐Ÿ–ผ๏ธ: G. Kent Jonard Uriarte

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa kabila ng matinding init ng panahon, nagningning sa magagarang pambansang kasuotan at nag-iwan ng dumadagun...
28/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa kabila ng matinding init ng panahon, nagningning sa magagarang pambansang kasuotan at nag-iwan ng dumadagundong na ingay ang mga mag-aaral at g**o sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong araw, Agosto 28, 2026.

Pinangunahan ang makasaysayang pagtitipon ng Kapisanan ng Mayoryang Filipino (KMF) at ng Samahan ng Nagpakadalubhasa sa Filipino (SNF), kasama ang pakikilahok ng limang pangunahing kolehiyo ng pamantasan: ang College of Arts and Sciences (CAS), College of Business and Management (CBM), College of Engineering and Technology (CET), College of Information Technology Education (CITE), at ang College of Teacher Education (CTE), na nagpamalas ng diwa at kapangyarihan ng Wikang Filipino sa kabila ng mapaghamong temperatura.

Ang selebrasyon ngayong taon ay nakasalig sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyonโ€ na naglalayong pag-ugnayin ang tradisyonal na wika at ang makabagong teknolohiya sa larangan ng akademikong pag-aaral.


27/08/2026

โ€Ž๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”, ๐— ๐—”๐—ฅ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—จ๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”.
โ€Ž
โ€ŽSa pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, binibigyang-pugay natin ang wikang nagsisilbing mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa bawat salitang ating ginagamit, dala natin ang mga kuwentong nagmula sa nakaraan at patuloy na umuusbong sa kasalukuyan.
โ€Ž
โ€ŽSa ating paglalakbay, ating balikan ang kasaysayan ng wikang Filipino, kilalanin ang yaman at pagkakaiba-iba ng kulturang Pilipino, at saksihan ang pakikiisa ng ibaโ€™t ibang kolehiyo sa ating pamantasan sa makabuluhang pagdiriwang na ito.
โ€Ž
โ€ŽKaya, halinaโ€™t sama-sama nating tunghayan ang kuwentong bumubuo sa ating wika at pagkakakilanlan. Panoorin natin at sabay-sabay nating balikan kung paano naging bahagi ng ating pagkatao ang wikang Filipino.
โ€Ž
โ€ŽDahil ang wikang ating inaalagaan ngayon ay wikang nag-uugnay sa ating nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Sa pag-alala sa ating pinagmulan, lalo nating napahahalagahan ang wikang patuloy na nagbubuklod sa ating lahat.
โ€Ž
โ€Ž๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š, ๐๐„๐Œ๐’๐”๐€๐š๐ง๐ฌ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



โ€Ž
๐Ÿ–‹๏ธ: Bb. Rhia Mea Miranda
๐Ÿ’ป: G. Kent Jonard Uriarte

Ginamit na musika:
Pamanang Kultura ni DJ Galang ft. Fources

Ginamit na bidyo:
The Filipino Story

๐——๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒNais naming ipabatid sa lahat ang opisyal na daloy ng ating programa para sa Buwan ng Wika ng...
27/08/2026

๐——๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Nais naming ipabatid sa lahat ang opisyal na daloy ng ating programa para sa Buwan ng Wika ngayong taon. Mula sa pambungad na pananalita hanggang sa mga kapana-panabik na patimpalak, narito ang mga kaganapang dapat nating abangan. I-save ang larawang ito upang hindi mahuli sa mga nakatakdang gawain at aktibidad!

๐Ÿ“Nakatakdang magsimula ang programa sa ganap na 8:00 ng umaga sa CAS Ground.

Makilahok, makiisa, at sama-samang ipagdiwang ang Wikang Pambansa! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸคŽ

๐Ÿ–‹๏ธ: Bb. Shannelyn Tumilap
๐Ÿ–Œ๏ธ: G. Kent Jonard Uriarte

Address

NEMSU-Tandag, Brgy. Rosario
Tandag

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NEMSU Tandag - KMF & SNF Buwan ng Wikang Pambansa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share