12/07/2026
[REPOST]
๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐
Ang bawat parangal ay may kaakibat na kuwentoโmga kuwentong hindi isinulat ng tinta, kundi ng pawis, tiyaga, at sakripisyong tahimik na inalay upang makapaglingkod sa iba.
Ang bawat plake ay hindi lamang sumasalamin sa tagumpay na nakamit, kundi sa bawat pagsubok na piniling harapin, sa mga pangarap na sama-samang ipinaglaban, at sa paniniwalang ang tunay na paglilingkod ay hindi naghahangad ng palakpakan, kundi ng pagbabago na mag-iiwan ng saysay sa lipunan.
Ngayong taon, ipinagdiwang ng ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น, ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐โ ๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐๐ฒ, ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ, ๐๐ป๐๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ, ๐ฅ๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐๐ผ๐ป, ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป (๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐๐๐) ang mga pagkilalang bunga ng kanilang dedikasyon, sipag, at walang sawang paglilingkod. Bagamaโt magkakaiba ang kanilang mandato at larangang kinakatawan, iisa ang kanilang layuninโang magsilbi nang may integridad, malasakit, at pananagutan sa loob ng Kolehiyo ng Edukasyon.
Ang mga pagkilalang kanilang natanggap ay higit pa sa simbolo ng tagumpay; ito ay nagsisilbing patunay ng mga panahong pinili nilang magpatuloy sa kabila ng pagod, mga pagkakataong inuuna ang pangangailangan ng iba bago ang sarili, at mga hamong humubog sa kanilang kakayahang mamuno at maglingkod. Sa likod ng bawat sertipiko at plake ay mga kwento ng pagsisikap, pakikipagtulungan, at paninindigang ang pamumuno ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa epekto nito sa mga taong kanilang pinagsisilbihan.
Ang College of Education Student Council, The Educatorsโ Gazette, at MAHARLIKA ay patuloy na nagsisilbing mga patunay na ang tunay na halaga ng isang organisasyon ay nakikita sa dedikasyon ng mga taong bumubuo rito. Sa bawat proyekto, adbokasiya, at gawaing kanilang isinakatuparan, naipakita nila na ang paglilingkod ay isang responsibilidad na nangangailangan ng puso, tapang, at patuloy na paniniwala sa layuning higit sa pansariling pagkilala.
Sa pagtatapos ng isang yugto, ang mga parangal na ito ay hindi lamang pagtatala ng mga naabot, kundi pagpapatibay ng mga pagbabagong kanilang naiambag. Nawaโy magsilbi itong paalala na ang pinakamahalagang pagkilala ay hindi lamang nakikita sa mga plake at sertipiko, kundi sa mga buhay na naabot, mga estudyanteng natulungan, at mga alaala ng paglilingkod na mananatili sa puso ng bawat isa.