20/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โจ
Isang taos-pusong pagbati at paghanga sa lahat ng mag-aaral ng BSED Filipino 3A para sa matagumpay na pagtatapos ng Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2025โ2026!
Lubos naming ipinagdiriwang ang mga mag-aaral na nagtamo ng karangalan bilang Deanโs Lister. Ang inyong dedikasyon, sipag, at pagpupursige ay tunay na kapuri-puri at nagsisilbing inspirasyon sa marami.
Ngunit higit pa rito, nais din naming bigyang-pugay ang bawat mag-aaral ng BSED Filipino 3Aโmay karangalan man o wala. Ang bawat isa ay may sariling laban, sariling hamon, at sariling tagumpay na pinagdaanan. Walang pagsisikap na nasayang at walang pagod na hindi nagbunga. Ang bawat puyat, luha, pangamba, at sakripisyo ay naging bahagi ng inyong paglalakbay tungo sa paghubog ng inyong mga pangarap.
Maging proud kayo sa inyong sarili. Malayo na ang inyong narating at marami pa kayong mararating. Ang katotohanang nagpatuloy kayo sa kabila ng lahat ay isa nang malaking tagumpay.
Malugod din namin kayong binabati sa matagumpay na pagtatapos ng College Retention Examination. Nawaโy magsilbi itong paalala na kayo ay handa, matatag, at may kakayahang harapin ang anumang hamon. Magtiwala sa inyong sarili at sa lahat ng pinaghirapan ninyo. Naniniwala kaming ang bawat isa ay may sapat na kakayahan upang makamit ang tagumpay at makapasa sa naturang pagsusulit.
Patuloy na mangarap, magsikap, at maniwala sa inyong kakayahan. Ang inyong kuwento ay patuloy pang isinusulat, at ang pinakamagagandang kabanata ay nasa unahan pa.
Muli, pagbati at mabuhay ang BSED Filipino 3A! โจ๐ฉท
It's better late than never.
-๐ง๐ปโโ๏ธ