29/08/2025
Buwan ng Wika: Ipagdiwang ang Kayamanan ng Wikang Filipino! 🇵🇭
Sa buwan ng Agosto, ating ipagdiwang ang kagandahan at kahalagahan ng ating sariling wika, ang Filipino! 🎤📚
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa USST na nilahukan ng iba’t ibang departamento ng paaralan, matagumpay na naisakatuparan ang pagkilala sa bagong Lakan at Lakambini ngayong taon, gayundin ang pagpapamalas ng iba’t ibang talento ng mga mag-aaral. Higit pa rito, ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang pagmamahal sa sariling wika at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal at makabuluhang programa.
Samantala, habang ginaganap ang mga gawain, nanguna naman sa pagpapatibay ng seguridad at kaayusan sa buong paaralan ang USST Leadership Command Organization (ULCO), na nagsilbing katuwang upang masiguro ang maayos at ligtas na daloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika: Ipagdiwang ang Kayamanan ng Wikang Filipino! 🇵🇭
Magpahayag, magbahagi, at mag-aral ng ating wika. Sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino, nagpapakita tayo ng pagmamahal sa ating kultura at pagkakakilanlan. ✊