15/08/2026
Kung kailangang isantabi ang Pilipino upang maitayo ang sinasabing kinabukasan, kaninong kinabukasan ba talaga ang itinatayo natin?
โ
โAng pamahalaan ay katiwala, hindi may-ari. Ang lupa at likas na yaman ng bansa ay hindi nito pag-aari upang basta ipagamit, ipaupa, o basta ialok kahit kanino. Ngunit sa ilalim ng Pax Silica, tila ang tagapag-ingat ng susi ang siya pang nagbubukas ng pinto sa mga layunin at interes ng Estados Unidos. Sa New Clark City, 1,619 ektarya ang nakalaan para sa isang hub ng artificial intelligence at advanced manufacturingโisang proyektong ipinapakilala sa wika ng pamumuhunan, trabaho, at teknolohikal na pag-unlad.
โ
โMaganda itong pakinggan. Ngunit ang pag-unlad ay hindi lamang usapin ng imprastraktura, teknolohiya, at kapital. Bago tawaging kinabukasan ang isang proyekto, kailangang itanong: sino ba talaga ang makikinabang dito? At matatawag ba itong kinabukasan kung may mga taong kailangang mawalan ng lupa, kabuhayan, at boses para lamang maitayo ito?
โ
โDito kailangang suriin kung sino ba talaga ang pinaglilingkuran ng sinasabing pag-unlad. Tila mas madaling ipagdiwang ang bilyong dolyar na maaaring pumasok kaysa pakinggan ang mga taong direktang maaapektuhan nito. Mas madaling magsalita tungkol sa โdevelopmentโ kaysa tanungin ang mga komunidad kung anong uri ng pag-unlad ang kailangan at nais nila. Mas madaling mangako ng trabaho kaysa tiyaking may tunay silang boses sa mga desisyong maaaring magpabago sa kanilang lupa, kabuhayan, at pamumuhay.
โ
โPamilyar na ang ganitong kuwento. Sa kasaysayan ng kolonyalismo, laging nakataya ang lupa, yaman, at kapangyarihanโkung sino ang may kontrol, sino ang nakikinabang, at sino ang naiiwan. Nagbago man ang panahon, hindi nangangahulugang nawala na ang ganitong sistema. Nag-iba lamang ang paraan at wikang ginagamit. Wala nang barkong may kanyon; may investment portfolio na. Wala nang banyagang gobernador; may strategic partnership na. At ngayon, hindi na kailangang direktang sakupin ang isang bansa upang magkaroon ng impluwensiya sa kung paano nito ginagamit ang sariling lupa, yaman, at kinabukasan.
โ
โAng Pilipinas ay para sa mga Pilipino. Hindi ito bakanteng espasyo sa mapa ng mga makapangyarihan, ni murang piyesa sa pandaigdigang supply chain. At ang Tarlac ay hindi lupang maaaring basta ialok para sa ambisyon ng ibaโlalo na ang mga lupang ninuno na matagal nang tahanan, kabuhayan, at bahagi ng pagkakakilanlan ng mga katutubong komunidad. Ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa laki ng puhunan o dami ng imprastrakturang naitatayo, kundi sa buhay ng mga taong dapat nitong paglingkuran. Sino ang nakikinabang? Sino ang pinakikinggan? Sino ang may boses sa pagpapasya? At higit sa lahat, sino ang naiiwan?
โ
โโ
โ
โ๐ผ๐ก๐๐ข๐๐ฃ. ๐๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ. ๐ฝ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฎ๐๐ฃ.
โ
โ๐ฟ๐๐๐ช๐๐ค ๐ฃ๐: Ahrylle Joy Sagun
โ
โ