27/05/2026
𝐏𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐍𝐞𝐱𝐭-𝐆𝐞𝐧 𝐈𝐏 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐀𝐋𝐎𝐍 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲𝐥𝐢𝐬𝐭
An inclusive university listens to every student, respects every language, and makes space for everyone
Sa gitna ng ingay ng unibersidad, sino nga ba ang makikinig at hahanap sa maliliit na tinig na natatabunan ng karamihan?
Kami sa Next-Gen IP Organization ay naniniwalang panahon na para sa isang pamunuan na hindi lamang nakikinig, kundi aktwal na nakikipagkapwa at nagtataguyod sa karapatan ng bawat kapwa mag-aaral.
Dahil dito, buong-puso naming sinusuportahan ang ALON Partylist sa darating na SSC 2026–2027 Elections. Hinahamon at hinihikayat din namin ang mga TSUians na suriin ang kanilang mga plataporma upang makita ang ganda ng mga adhikaing isinusulong nila para sa unibersidad.
Naniniwala kami na sa bawat hampas ng ALON, may dalang pag-asa, pagbabago, at isang malakas ngunit pantay na tinig.
MAKITANDA, MAKILAMU, MAG IN MATALINO HA PAMAMILI NEN IBOTU!
Maging maalam, makisangkot, maging matalino sa pagpili ng iboboto!