27/05/2026
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ
"๐ฐ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐."
Bilang isang organisasyong patuloy na naninindigan para sa karapatan, kapakanan, at kapaki-pakinabang na mga oportunidad para sa mga solo parent students at dependents ng solo parent sa ating unibersidad, buong-puso kaming nakikiisa sa adhikaing dala ng ๐จ๐ณ๐ถ๐ต ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ para sa darating na SSC 2026โ2027 Elections.
Ibinahagi nila ang kanilang pagiging bukas at handang makinig sa boses ng mga mag-aaral na nagbabalanse ng kanilang tungkulin bilang magulang at estudyante. Malinaw na sumasalamin ang kanilang mga plataporma sa sarili nating mga mithiin ukol sa pangkalahatang kabutihan, mental health support, at akademikong konsiderasyon para sa mga solo parents sa unibersidad.
Sa pagtatagpo ng ating adbokasiya para sa kapakanan ng mga solo parent students at ng mga layunin ng ๐จ๐ณ๐ถ๐ต na maglingkod nang tapat, nakikita natin ang isang pamunuang may malalim na malasakit, matibay na prinsipyo, at pag-unawa sa aming natatanging laban. Isang pamunuan na handang maging boses ng mga sektor na madalas ay hindi napapakinggan at maging tulay para sa isang mas makatao at patas na sistema.
Kaya naman, ang Solo Parent Organization ay inaanyayahan ang bawat isa na kilalanin ang mga plataporma ng ๐จ๐ณ๐ถ๐ต. Suportahan natin ang mga lider na handang makinig, matuto, at magpatupad ng mga inklusibong programa para sa bawat TSUianโdahil sa isang unibersidad na inklusibo, walang magulang o mag-aaral ang maiiwan.
๐ท๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐. ๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐ ๐ฒ๐-๐บ๐ถ๐ณ๐ท ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐.