19/08/2026
"𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗻𝘆𝗮𝗴 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴”
Nakikiisa ang 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗼𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗘𝗻𝗴𝗹𝗶𝘀𝗵 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀 (𝗟𝗣𝗘𝗘) 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 2026 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼.
Bilang mga magiging g**o ng wika sa hinaharap, kinikilala natin ang kahalagahan ng wikang Filipino at ang kaniyang pagkakakilanlan dahil ito ang nag-uunay sa atin bilang isang bayan.
Pagpapaigting ng sariling wika, tungo sa mas maunlad na bansa, na siyang tulay upang bigyang halaga ang pagkakakilanlan at pagkakakisa ng mga pilipino. Ang buwang ito ay higit pa sa pagkilala ng wika, kundi sumasalamin din ito sa kultura, kasanayan, at tradisyon ng ating pagka-Pilipino.
Halina’t kilalanin ang mga natatagong yaman ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan tulad ng panitikan, sining, at musika. Bawat letrang isusulat o boses na lalabas sa mga bibig, siguradong tatak Pilipino dahil kilala tayo sa husay at galing na ‘di matatapatan ng sinuman.
Sa bawat likha at pagtatanghal, naipapakita ang talento, husay, at pagkamalikhain ng mga Pilipino. Kaakibat nito ang talino at galing ng mga estudyante ng Tarlac State University na siyang magpapakita ng pagmamahal at pagrespeto sa sariling wika at kultura.
𝙏𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖’𝙩 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖, 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙨𝙖𝙮𝙖, 𝙖𝙩 𝙨𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤!
Layout by : Gabriel Datu
Captioned by : Sedrick Paulete