31/08/2026
๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ฒ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐๐ฒ๐จ
Ang panatang iniwan ng mga bayaning hindi inisip ang sarili, kundi ang bayan muna.
Ang buong departamento ng Sipnayan โMATHEMATICAL SOCIETYโ ay nakiki isa sa pag-alala sa ARAW NG MGA BAYANI taong Dalawang Libo Dalawangpuโt Anim (2026).
Ngayong National Heroes Day, alalahanin natin ang dugong dumilig sa lupang ito upang tayo ay malaya. Hindi sila humingi ng parangal. Ang tangi nilang hiling, isang Pilipinas na may dangal at kinabukasan.
Sa likod ng bawat libro ng kasaysayan ay may mga taong naka tago at nararapat ding alalahanin, pasalamatan at bigyang pugay, mga taong buong puso ibinibigay ang kanilang sarili para sa masang Pilipino.
Mga MAGSASAKA, na hindi uuwi hanggat walang butil ng bigas para sa pamilya.
Mga ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐, na kakarampot ang sahod ngunit desidido.
Mga ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ฆ๐๐, na determinadong pumalaot basta may huli.
Mga ๐ง๐ฆ๐จ๐ฃ๐๐ฅ, na ba-byahe mag hapon at mag uuwi ng kakarampot na barya.
At ang mga ๐๐จ๐ฅ๐ข, na syang ating gabay sa apat na sulok ng kwadradong silid aralan.
Makabayan ang kanilang puso. Sa gitna ng baril, tanikala at hindi maayos na sistema, tumindig sila. Magsasaka man o ilustrado, babae man o lalaki, bata man o matanda, iisa ang sigaw, Pilipinas para sa Pilipino. Ang tapang nila ang naging tulay mula pagkaalipin tungo sa kalayaan. Ang paninindigan nila ang naging pundasyon ng watawat na ngayon ay taas noo nating winiwagayway.
Kaya ang paggunita natin ngayon ay hindi lang bulaklak at seremonya. Makabayan tayo kung isinasabuhay natin ang kanilang aral, mahalin ang sariling atin, ipaglaban ang tama, at unahin ang bayan sa bawat desisyon, dahil ang tunay na bayani, hindi namamatay. Siya ay nabubuhay sa bawat Pilipinong handang maglingkod.
PAGPUPUGAY, PAGALALA, AT PASASALAMAT.
MATUTO. MAGTURO. MAGHUBOG.