27/03/2026
Byaheng Kolehiyo
LVCY
Isang estudyante na nagmula sa Business Administration ng Osias Colleges ng Tarlac City ay maroon kinakaharap na problemang pang edukasyon. Angkop dito ang Thesis, Feasibility Study at mga iba pang subhento nan aka konekta sa Accounting na kurso. Siya ay working student, Nag-aaral sa umaga, fast food crew sa gabi. Siya ay lumalaban ng patas sa pamumuhay dahil dito nagmumula ang ipinangbabayad niya sa tuition fee, pinangkakain at sa pang araw-araw na gastusin.
Ito ay ilang dahilan lamang kung bakit hindi siya makatuon sakanyang klase, may mga araw na tulog siya at may mga araw na hindi siya pumapasok sa kadahilanang siya ay pagod sa klase, ngunit lagi parin niyang isinasambit na pag siya ay nakatapos, siya ay makakaraos na sa kahirapan. Umaasa siya na makuha sa scholarship para mabawasan ang kanyang babayarin, ngunit mababa ang kanyang grado. Ito ay lahat nagbago nang matagpuan niya ang kaniyang mga bagong kaibigan, mga kaibigan na pwedeng takbuhan sa oras ng pangangailangan, isa ito sa mga dahilan ng paggaan ng kaniyang buhay akademiko at nakilala niya ito sa kanilang eskwelahan.
Unti-unting tumaas ang kanyang grado dahil sa tamang paggamit ng kaniyang oras at pagpapaalala ng kaniyang mga bagong kaibigan ng mga nakaligtaan niyang aktibidad, assignments, at iba pang mga gawain pang eskwela, marahil hirap siya noon na makahabol sa oras ng kaniyang klase ngunit ngayon ay sinusubukan nang ayusin ang mga Gawain bawat oras ng sa gayon ay hindi na maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan. Paparating na ang kanyang defense sa thesis niya at siya ay kinakabahan dahil sa nakaligtaan niyang mag review para dito. Hindi niya na aral ang kanilang papel at ilang araw nalang ang natitira para sa pagbabasa ng kanilang papel ngunnit may iniisip pa siyang trabaho at mga problema sa bahay, hindi na niya naisip kung ano ang uunahin, siya ay nagdasal at humingi ng kalakasan at katalinuhan. Nang biglang nag chat ang kaniyang kaibigan at hinahanap siya para sa kanilang defense upang makapagtapos na. Pumunta siya ng dali-dali sa kanilang eskwelahan ng walang naaral na thesis, pagpasok nila sa loob ng silid aralan at natapos mag presinta, pumunta na sila sa mga pagtatanong at pagsasagot, sila ay tinanog ng “Why did you conduct this study?” siya ay natakot at naluluha ngunit sinalo ng kaniyang kaibigan ang mga katanungan, siya ay nabigla at nagulat ng gawin nila ito, ngunit sa huling tanong siya ang may kailangang sumagot ng katanungan, nsng nasagot niya ito ng tama, ngumiti silang lahat at naluluha sa mga salitang binanggit ng kanilang professor “Congratulations for successfully defending your thesis” sila ay naiyak at tuluyan ng lumuha dahil sa wakas makakapagtapos na sila ng kolehiyo, makakapaghanap ng Magandang trabaho at maiaahon na sa kahirapan ang kanilang pamilya. Laging tandan, mahal ang mag-aral ngunit kung ito ay pagsisikapan mo at pagpupursigehan, lahat ay possible at pwede. MAS MASAYA MAG-ARAL NG MAY KASAMA.