Southern Luzon State University-Tayabas City Campus

Southern Luzon State University-Tayabas City Campus The Official page of Southern Luzon State University - Tayabas City Campus

02/09/2026
02/09/2026

PAALALA, MGA MANANALIKSIK!

PINALAWIG ang deadline ng pagsusumite ng entries para sa 2026 SLSU Research Congress!

๐Ÿ“… Bagong Deadline: September 4, 2026

Para sa mga magsusumite ng entries, ang Confirmation of Entry ay ipapadala sa September 9, 2026.

Huwag palampasin ang pagkakataong maibahagi at maipamalas ang inyong mga pananaliksik!

Magsumite na!

ITโ€™S TIIIIIIIIMEEEE! ๐Ÿ‘€๐Ÿš€Science, Technology, & Innovation Week (STW) celebration na sa SLSU!
01/09/2026

ITโ€™S TIIIIIIIIMEEEE! ๐Ÿ‘€๐Ÿš€

Science, Technology, & Innovation Week (STW) celebration na sa SLSU!

Maligayang Kaarawan, ๐Œ๐ฌ. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐œ๐š๐ซ ๐‚๐š๐›๐ข๐ฅ๐ž-๐Ž๐š๐›๐ž๐ฅ!Taos-pusong pagbati mula sa SLSU Tayabas Kampus para isang masipag, dedika...
29/08/2026

Maligayang Kaarawan, ๐Œ๐ฌ. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐œ๐š๐ซ ๐‚๐š๐›๐ข๐ฅ๐ž-๐Ž๐š๐›๐ž๐ฅ!

Taos-pusong pagbati mula sa SLSU Tayabas Kampus para isang masipag, dedikado, at kagalang-galang na miyembro ng faculty ng GEC Department.

Sa espesyal na araw na ito, hangad ng buong akademikong komunidad ang patuloy na kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at masaganang pagpapala sa iyong buhay.

Kinikilala at pinahahalagahan ang iyong dedikasyon sa pagtuturo, propesyonalismo, at mahalagang ambag sa paghubog ng mga mag-aaral at sa patuloy na pag-unlad ng departamento at ng pamantasan.

Nawaโ€™y patuloy kang maging inspirasyon sa iyong mga mag-aaral, kasamahan, at sa buong akademikong komunidad.

Matagumpay na isinagawa noong Agosto 25โ€“27, 2026 ang Training on Introduction to Coconutโ€“Stingless Beekeeping Integratio...
28/08/2026

Matagumpay na isinagawa noong Agosto 25โ€“27, 2026 ang Training on Introduction to Coconutโ€“Stingless Beekeeping Integration, na pinangunahan ng Southern Luzon State University (SLSU) Tayabas Campus โ€“ Dwarf Coconut Project katuwang ang Office of Production Services (OPS).

Dinaluhan ito ng mga empleyado ng SLSU Tayabas Campus at Office of Production Services, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang kaalaman at kasanayan, at paghahanda para sa mga posibleng proyekto ng Unibersidad sa hinaharap.

๐ŸŒด Unang Araw โ€“ SLSU Tayabas Campus
Pinangunahan nina ๐†. ๐’๐ฉ๐ž๐ง๐œ๐ž๐ซ ๐ƒ๐ฎ๐ซ๐š๐ง๐š ang mga talakayan tungkol sa produksyon at wastong pangangalaga ng dwarf na niyog, gayundin ang mga prinsipyo at benepisyo ng pagsasama ng niyog at lukot.

๐Ÿ Ikalawang Araw โ€“ PJ Plantation and Bee Farm, Brgy. Anos, Tayabas City
Ibinahagi ni ๐ƒ๐ซ. ๐๐ž๐ž๐ฃ๐š๐ฒ ๐ƒ๐ž ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ ang mahahalagang kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng lukotโ€”mula sa kanilang uri, kilos at kahalagahang pangkalikasan hanggang sa wastong pangangalaga ng kolonya, pagkuha ng pulot at pagbuo ng mga produktong mula rito.

๐Ÿฏ Ikatlong Araw โ€“ Amata Honey Bee Farm
Naging tampok ang aktuwal na pagsasanay sa pagsusuri at pangangalaga ng kolonya, paghahati ng kolonya, at pagkuha ng pulot nito. Pinangunahan ito ni ๐†. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐Œ๐š๐ซ๐ค ๐’๐จ๐ฅ๐ž๐๐š๐.

Isa rin sa mga naging makabuluhang bahagi ng pagsasanay ang pakikipagpalitan ng kaalaman kina ๐Œ๐š'๐š๐ฆ ๐Œ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ž๐ญ at ๐’๐ข๐ซ ๐‚๐ž๐ฅ๐ฌ๐จ ๐Œ๐ž๐๐ข๐ง๐š, mag-asawang miyembro ng Beekeepers Association in Gumaca, Quezon. Sa kabila ng kanilang edad, patuloy nilang ipinapakita na hindi hadlang ang edad sa pagkatuto at pagbabahagi ng kaalaman. โค๏ธ๐Ÿ

๐ŸŒฑ Higit sa lahat, binigyang-diin sa pagsasanay ang maayos na pangangalaga sa dwarf na niyog, at ang malaking posibilidad ng pagsasama ng niyog at lukot bilang isang napapanatiling sistema ng pagsasaka.

Mula sa kaalaman, tungo sa kasanayan; mula sa pagsasanay, tungo sa mga bagong posibilidad para sa SLSU! ๐ŸŒด๐Ÿ๐ŸŒฑ






2๐’๐’… ๐‘ณ๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’—๐’‚๐’ 2026โ€œ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†!โ€Ngayong araw, Agosto 25, 2026, matagumpay na isinagawa ...
25/08/2026

2๐’๐’… ๐‘ณ๐’‚๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’—๐’‚๐’ 2026

โ€œ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†!โ€

Ngayong araw, Agosto 25, 2026, matagumpay na isinagawa ang 2nd Lambanog Festival sa pangunguna ng Philippine Coconut Authority (PCA) Region IV-A at Southern Luzon State University (SLSU) Tayabas Campus.

Dinaluhan ang pagdiriwang ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang CFIDP Implementing Agencies, provincial at municipal local government units, pribadong sektor, mga magniniyog, at iba pang stakeholdersng industriya ng niyog at lambanog.

Kabilang sa mga tampok na gawain at talakayan ang mga sumusunod:
โ€ข Lambanog Hub Presentation
โ€ข Coconut Good Agricultural Practices for Lambanog Processing
โ€ข Demonstration ng Lambanog Methanol Testing
โ€ข Geographical Indication for Quezon Lambanog
โ€ข Lambanog: From Tradition to Global Recognition
โ€ข Lambanog Competition na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa SLSU Main Campus, SLSU Tayabas Campus, at Manuel S. Enverga University Foundation

Ang pagdiriwang ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa pagpapanatili ng tradisyon, pagpapalawak ng kaalaman at teknolohiya, pagpapalakas ng industriya ng lambanog, at pagsusulong ng Quezon Lambanog tungo sa mas mataas na antas ng pagkilala.







National Coconut Week - Lambanog Festival 2026
25/08/2026

National Coconut Week - Lambanog Festival 2026

Address

Brgy. Ibabang Palale, Tayabas City, Quezon
Tayabas
4327

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Southern Luzon State University-Tayabas City Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Southern Luzon State University-Tayabas City Campus:

Shortcuts

Share