21/08/2026
Kasuotang ASEANo at Kasuotang Pinoy
Isang makulay at makabuluhang pakikiisa ng ating mga Sienans sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026!
Nakiisa ang ating mga mag-aaral at g**o sa pagsusuot ng Kasuotang ASEANo at Kasuotang Pinoy, bilang pagpapakita ng pagmamalaki sa ating kultura, pagkakakilanlan, at pagiging bahagi ng pamayanang ASEANo.
Sa temang “Teknolohiya at AI: Angking Kaalaman sa Araling Panlipunan, Linang ng Wikang Filipino, at Kamalayang ASEANo,” patuloy nating binibigyang-halaga ang ating wika, kasaysayan, kultura, at pagkakaisa habang yakap ang makabagong panahon.
Saludo sa bawat Sienan na nakiisa at nagbigay-buhay sa makulay na kultura ng ating bayan!
Makiisa. Makilahok. Makibahagi.