04/10/2026
๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Kaya naman, ang aming taos-pusong pasasalamat ay ihahatid namin sa simpleng A-BA-KA-DA.
A โ Ang mga aral mula sa inyo ay isa sa mga binabaon namin sa araw-araw at dadalhin sa aming paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan.
Ba โ Bawat salita, payo, at gabay ninyo ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy kaming matuto, mangarap, at maniwala sa aming kakayahan.
Ka โ Kayo ay nagsisilbing ilaw sa mga madilim na direksyon sa aming buhay, at ang bawat direksyong ito ay patungo sa tagumpay na aming minimithi.
Da โ Dahil sa walang patid ninyong serbisyo, hatid namin ang walang sawang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo, tiyaga, at pagmamahal na inyong ibinibigay sa pagtuturo.
Hindi po kayo nagkulang sa pagtuturo, kaya po kami natutong mangarap nang mataas at buo. Hindi niyo po sa amin pinaramdam na hanggang dito lang, kaya mas lalo po kaming nagpupursigi nang may pag-unawa at galang sa bawat pagpasok namin sa paaralan.
๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
Maraming salamat po sa inyong sipag at pusong patuloy na bumubuo sa aming mga pangarap.
Muli, Maligayang Araw ng mga G**o po! ๐๐