Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus

Directions Website Contact the university

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus Opisyal na Pahina ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (CSU Andrews Campus)

๐๐€๐†๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐†๐”๐‘๐Ž: ๐ˆ๐๐’๐๐ˆ๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐€๐–๐€๐“ ๐‡๐„๐๐„๐‘๐„๐’๐˜๐Ž๐Noong ika-13 ng Oktubre, 2026, nakiisa tayo sa pagdi...
19/10/2026

๐๐€๐†๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐†๐”๐‘๐Ž: ๐ˆ๐๐’๐๐ˆ๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐€๐–๐€๐“ ๐‡๐„๐๐„๐‘๐„๐’๐˜๐Ž๐

Noong ika-13 ng Oktubre, 2026, nakiisa tayo sa pagdiriwang ng Araw ng mga G**o na ginanap sa CSU Andrews Gymnasium.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga palaro kung saan nakilahok ang ilan sa mga g**o sa Filipino na nagbigay ng saya at aliw sa lahat. Sinundan ito ng pagbibigay ng mga mag-aaral ng kanikanilang regalo bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng pasasalamat at pagpapahalaga sa mga g**o.

Layunin ng aktibidad na ito na bigyang pagpupugay ang mga g**ong humuhubog ng pangarap, nagtatanim ng pagpapahalaga, at nagpapanatili ng ating wika at kultura.

โœ๐Ÿป: Krista Limpin
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

Isang taos-puso at mainit na pagbati sa ating mga Ka-Kamfil na nagsilbing kinatawan ng CSU-Andrews sa nagdaang UNIVERSIT...
17/10/2026

Isang taos-puso at mainit na pagbati sa ating mga Ka-Kamfil na nagsilbing kinatawan ng CSU-Andrews sa nagdaang UNIVERSITY MEET 2026.

Ang inyong husay, tiyaga, at determinasyon ay hindi lamang naghatid ng mga medalya, kundi nagbigay rin ng karangalan sa ating minamahal na kapisanan.

Sa bawat laban na inyong hinarap at tagumpay na inyong nakamit, buong pagmamalaki nitong itinataas ang bandera ng KMF. Kayo ang patunay na ang diwa ng pagkakaisa ay ang susi sa tagumpay.

Muli, pagbati sa inyong lahat! Sama-sama nating itaas ang bandera ng karangalan at ipagmalaki ang husay ng mga mag-aaral sa Filipino. ๐ŸคŽ๐Ÿ’›๐Ÿ…

โœ๐Ÿป: Daneil Yesza Bassig
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

Maligayang Kaarawan, Krista Jane Limpin!๐ŸŽ‚Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, isang mainit na pagbati, Ka-Kam...
14/10/2026

Maligayang Kaarawan, Krista Jane Limpin!๐ŸŽ‚

Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, isang mainit na pagbati, Ka-KamFil!

Nawa'y mapuno ng saya, tagumpay, at maraming biyaya ang iyong panibagong taon. Patuloy sanang umusbong ang iyong mga pangarap at maging makulay ang bawat hakbang ng iyong paglalakbay.

Muli, maligayang kaarawan๐Ÿ’™๐ŸŒป

โœ๏ธ: Daneil Yezsa Bassig
๐ŸŽจ: Anghelo Simangan

Noong nakaraang Biyernes, ika-9 ng Oktubre, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang pagtitipon na may temang โ€œPah...
12/10/2026

Noong nakaraang Biyernes, ika-9 ng Oktubre, matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang pagtitipon na may temang โ€œPahinang Pilipino: Pagpapayaman ng Kamalayan at Sining sa Pamamagitan ng Panitikang Pambansaโ€. Ang pangunahing layunin ng aktibidad na ito ay muling pag-alabin at dalhin sa mas malawak na kamalayan ang yaman ng ating mga akda.

Nais nating masig**o na ang ating panitikan ay patuloy na mapalaganap sa puso ng bagong henerasyon upang magsilbing gabay at tanglaw sa mas malalim na pag-unawa sa ating kultura at lipunan.

Huwag nating hayaang mawalan ng tinig ang ating sariling mga akda. Sabay-sabay nating yakapin, buhayin ang sining, at ipagpatuloy ang pagpapalaganap sa Panitikang Pilipino.

-KamFil

โœ๐Ÿป: Glydhel Cusili
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

Noong ika-9 ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ang aktibidad na PanitiCamp: Pagpapahalaga at Pagbubuhay sa Panitikang F...
12/10/2026

Noong ika-9 ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ang aktibidad na PanitiCamp: Pagpapahalaga at Pagbubuhay sa Panitikang Filipino.

Ito ay naglalayong palalimin ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa Filipino sa yaman ng Panitikang Filipino at sa mga akdang sumasalamin sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan.

Nagsilbi itong pagkakataon upang muling kilalanin ang kahalagahan ng panitikan at patuloy na pagyamanin ang pagmamahal sa sariling atin.

โœ๐Ÿป: Karla Pagulayan
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

Noong ika-9 ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ang seminar na may temang โ€œIlaw sa Silid-Aralan: Pagdidisenyo ng Mabisan...
11/10/2026

Noong ika-9 ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ang seminar na may temang โ€œIlaw sa Silid-Aralan: Pagdidisenyo ng Mabisang Lesson Planโ€ na pinangunahan pa rin ng ating mahusay na tagapagsalita na si G. John Loyd Yoro.

Ibinahagi niya ang kanyang malawak na kaalaman, karanasan, at mga makabagong estratehiya sa masusing pagbuo at pagdidisenyo ng isang organisado, komprehensibo, at makabuluhang banghay-aralin.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kasanayan ng mga hinaharap na g**o sa Filipino sa pagbuo ng mga araling nakasentro sa mag-aaral (student-centered learning), na nakaayon sa mga pamantayan ng Kurikulum at DepEd Learning Competencies. Nilalayon din nitong magbigay ng malinaw na gabay o tanglaw kung paano maipag-uugnay nang tama ang mga tiyak na layunin, interaktibong gawain, at angkop na pagtataya upang masig**o ang mabisang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan.

โœ๐Ÿป: Eden Ariola
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

Noong ika-9 ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ang seminar na may temang โ€œMakabagong Mithiin: Advanced Canva Skills Tra...
11/10/2026

Noong ika-9 ng Oktubre, matagumpay na naisagawa ang seminar na may temang โ€œMakabagong Mithiin: Advanced Canva Skills Trainingโ€ na pinangunahan ng ating tagapagsalita na si G. John Loyd Yoroโ€”kung saan ibinahagi niya ang kanyang natatanging kakayahan, kaalaman, at mga praktikal na estratehiya sa pagbuo ng mga malikhaing kagamitang biswal.

Layunin ng seminar na ito na mapalawak ang kaalamang pampagkatuto at kasanayang panteknolohiya ng mga mag-aaral sa Filipino, partikular sa paggamit ng mga makabagong tampok (features) ng Canva upang makabuo ng mga de-kalidad na kagamitang pampagtuturo.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas napag-alab ang pagiging malikhain ng bawat isa upang maging handa sa hamon ng modernong panahon at maipamalas ang kahusayan sa larangan ng komunikasyong biswal.

โœ๐Ÿป: Eden Ariola
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐†๐”๐‘๐Ž!Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, isang mainit na pagbati at taos-pusong pasas...
05/10/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐†๐”๐‘๐Ž!

Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, isang mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat sa aming mga minamahal na g**o sa Filipino!

Sa inyong dedikasyon at mahusay na pagtuturo, hindi lamang kaalaman ang aming natatamoโ€”gayundin ang mga pagpapahalaga, positibong pananaw, at inspirasyong nagiging gabay namin sa aming paglalakbay bilang mga mag-aaral at mga g**o sa hinaharap.

Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay, pang-unawa, at malasakit. Nawaโ€™y patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat mag-aaral na inyong hinuhubog at bigyan pa ng lakas upang maisakatuparan ang inyong dakilang tungkulin sa edukasyon. Patuloy ninyo nawa kaming gabayan at linangin upang balang araw ay maging mga g**ong kasinghusay at kasigasig ninyo.

Muli, ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ sa inyong lahat!๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐ŸคŽ

โœ๐Ÿป: Karla Pagulayan

๐‡๐ฎ๐ฅ๐š-๐†๐ฎ๐ซ๐จ || ๐—ฌ๐—ข๐—ข๐—›๐—ข๐—ข, ๐——๐—œ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก! ๐Ÿ‘€๐Ÿ“ธAy, nakatulog? Gising muna dahil may huhulaan tayo! ๐Ÿฐ ๐—ฃ๐—ถ๐—ฐ๐˜€, ๐Ÿญ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ฑโ€ฆ ๐‘๐‘’๐‘Ÿ๐‘œ ๐‘‘๐‘’๐‘๐‘’๐‘›๐‘‘๐‘’...
04/10/2026

๐‡๐ฎ๐ฅ๐š-๐†๐ฎ๐ซ๐จ || ๐—ฌ๐—ข๐—ข๐—›๐—ข๐—ข, ๐——๐—œ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก! ๐Ÿ‘€๐Ÿ“ธ

Ay, nakatulog? Gising muna dahil may huhulaan tayo!

๐Ÿฐ ๐—ฃ๐—ถ๐—ฐ๐˜€, ๐Ÿญ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ฑโ€ฆ ๐‘๐‘’๐‘Ÿ๐‘œ ๐‘‘๐‘’๐‘๐‘’๐‘›๐‘‘๐‘’ ๐‘˜๐‘ข๐‘›๐‘” 3 โ€™๐‘ฆ๐‘Ž๐‘›. Emeee!

Tignang mabuti ang bawat larawan, suriin ang ipinapahiwatig, at subukang hulaan kung sino ang nasa likod ng mga ito.

Kapag may sagot ka na, ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ, ๐Ÿฏโ€ฆ ๐—š๐—ข! ๐—ž๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”-๐—ž๐—”๐—ก๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—”โ€™TO! ๐Ÿซต๐Ÿ˜ญ

At sana, huwag mauwi sa โ€œSinetch na kasi itech ๐Ÿ˜ญโ€ kasi baka mas kabisado mo pa katabi mo dahil sa linya niya kada mangongopya kaysa sa teacher mong laging nagsasabi ng........oops oops oops bawal pala dito ang masyadong spoiler!

Leave your answer below! Ang unang makahuhula ay secured ang Pasadong First Sem โ˜˜๏ธโœจ

MALIGAYANG ARAW NG MGA G**O ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ

โœ๐Ÿป: Cleris Ibaรฑez

Address

Tuguegarao City
3500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus:

Shortcuts

Share