07/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐๐๐ง ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ ๐๐ญ. ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ.
Hindi lahat ng sugat ay nakikita. Hindi lahat ng kirot ay naipapahayag. Ngunit sa bawat pintig ng pusong handang umunawa, may pag-asang muling bumangon at tumindig ang isang buhay.
Sa mundong puno ng pasakit, paghihirap at karamdaman may isang salitang hindi matutumbasan ng anuman-MALASAKIT. Hindi ito nasusukat sa laki ng nagagawa, kundi sa lalim ng pusong handang makinig, umalalay, maglingkod, at magbigay tanglaw at pag-asa sa oras na tilaโy unti-unti nang nawawalan ng liwanag.
Sabi nga ng iba ang malasakit ay higit pa sa pag-aalala. Ito ang tahimik na paghawak sa isang taong nag-aalinlangan. Ito ay isang lakas upang samahan ang isang pusong pinanghihinaan. Ito ang pagdamay sa luhang hindi maipaliwanag at ang pag-aarugang nagmumula sa pusong walang inaasahang kapalit at higit sa lahat ito ang wika ng kabutihan na hindi kailangang ipagsigawan, sapagkat kusang naipaparamdam.
Sa larangan ng kalusugan, malasakit ang nagsisilbing gabay at instrumento bago ang anumang paggamot. Ito ang pintig at tibok sa likod ng bawat paglilingkod, ang diwang nagbibigay-buhay sa bawat pag-aaruga, pag pupursige at ang lakas na nagtutulak at gumagabay sa mga manggagamot, doktor, nars, komadrona, medikal na teknolohista, at iba pang propesyunal sa kalusugan upang patuloy na maging sandigan at sandalan ng mga nangangailangan.
Bilang paggunita sa Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto, ating bigyang-liwanag at higit na pahalagahan ang salitang โMalasakitโโisang salitang hindi lamang bahagi ng ating mayamang wika, kundi salamin ng ating pagkatao, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipinong marunong umunawa, umalalay, at maglingkod sa kapwa. Sapagkat ang tunay na diwa ng ating wika ay hindi lamang nasasalamin sa mga salitang ating binibigkas, kundi higit sa lahat sa mga pagpapahalagang ating isinasabuhay sa bawat araw.
Kapag ang lahat ng parangal ay kumupas at ang mga pangalan ay nalimot na, ang tunay na malasakit ay hindi lamang nasusukat sa dami ng buhay na ating naililigtas, kundi sa dami ng pusong ating naipadaramang hindi sila nag-iisa. Sapagkat darating ang panahong maaaring malimutan ng tao ang ating pangalan, ang ating mga sinabi, o maging ang ating mga nagawa. Ngunit hinding-hindi nila malilimutan ang pagkakataong pinili nating manatili, makinig, umalalay, at ipadama na may isang pusong handang magmalasakit sa gitna ng kanilang pinakamadilim na yugto. Dahil sa bawat kamay na marahang umaalalay, sa bawat salitang nagbibigay-lakas, at sa bawat pusong nagmamahal nang walang hinihinging kapalit, isang buhay ang muling nabibigyan ng pag-asa at marahil, iyon ang pinakamataas na anyo ng paglilingkodโang maging liwanag sa panahong ang mundo ng iba ay nababalot ng dilim. Sapagkat sa huli, hindi ang ating pangalan ang mananatili sa alaala ng mundo, kundi ang kabutihang iniwan ng isang pusong marunong magmahal, maglingkod, at higit sa lahat, magmalasakit.
โ๏ธ: Aster Vale
C. Liwanag
๐จ: EYEkon