01/11/2022
Bakit nga bang mas mabuting "tissue-cultured" ang gamiting pananim? [ 📌BASAHIN]
Isa sa pinakamalaking problema nating magsasaka ay ang iba’t ibang uri ng sakit at virus na sumisira sa ating pananim na saging tulad ng bunchy top virus o Fusarium wilt.
Kapag natamaan ang sakahan, wala na tayong magawa kundi sunugin ang pananim na nahawaan. 😣
Kaya naman nagiging kaunti ang bunga, bumababa ang kalidad ng pananim na siya namang dahilan ng pagbaba ng produksyon at pagkalugi.
📌 Upang maiwasan ito, isinasagawa ang "plant tissue culture".
👉 Ang Plant Tissue Culture o kilala din sa terminong “micropropagation” ay isang artipisyal na pamamaraan ng mabilis na pagpaparami ng halaman.
Sa Plant Tissue Culture, hindi na kakailanganin pang gumamit ng mga buto ng halaman, mga gametes o s*x cells nito o maging mga as*xual production methods ng pagtatanim gaya ng cuttings, grafting o marcotting.
At bukod kasi sa mabilisang pagpaparami ng halaman sa artipisyal na pamamaraan,
👉 Nakasisiguro rin na ang mga lumabas na tissue culture ng halaman mula sa mga laboratoryo ay malinis o WALANG DALANG SAKIT O PESTE.
Ito ay malulusog at may mataas na katangian. Ito ay paniguradong magtataglay ng magandang bunga.
Nag-babalak ka bang magtanim ng saging sa iyong lupain?
Magpadala lamang ng mensahe sa aming page upang makapag-book ng Lakatan, Cavendish, o Cardava tissue-cultured seedlings. 😉
🚚 FREE SHIPPING NATIONWIDE! (minimum of 100 pcs)