06/06/2026
🔺📚 TAU GAMMA PHI San Simon Community Chapter, Suporta sa Dalandanan National High School📚🔺
Muling nakiisa ang Tau Gamma Phi: San Simon Community Chapter - Valenzuela sa pamumuno ni Bro. PMAJ ROEL SISON, Grand Triskelion sa turnover ng mga kagamitan para sa taunang Brigada Eskwela sa Dalandanan National High School na pinamununuan ni Mr. Cesar "Sir V" Villareal, School Principal
Pinangunahan ito nina dating Punong Barangay Bro. Benito "Kap" Encarnacion at kasamahan sa Aktibong Paglilingkod sa Dalandanan - APD. Kasama rin sina Chapter Organizer at dating SKK Bro. Dan Paul "Agape" Velado, HOA President Bro. Wilfredo "Tanggol" Manlangit, at Barangay Kagawad Bro. Jayson "Tres" Lim, na ilan sa mga huwarang miyembro ng ating kapatiran. Dinaluhan at naging katuwang din dito ang 3rd PSC ng NPDMFB na si PCpl Mark Gamboa.
Ang programang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagkakaisa at malasakit ng ating kapatiran para sa mga kabataan, kanilang edukasyon at sa kapakanan ng komunidad.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating mga miyembro na tumulong, nakiisa, at naglaan ng kanilang oras at suporta. Kayo ang mga nasa likod ng mga makabuluhang programang tulad nito na nagbibigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.