01/05/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐๐ง๐จ๐ก๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐
โ๐ฐ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!โ
Taon-taon na usapin. Ilang administrasyon na ba ang dinaanan ng hindi malutas-lutas na hinaing? Bakit nga ba hirap ang gobyerno na ipatupad ito?
Noong nakaraang taon, isang panukalang batas ang inilatag โ dalawang daan na taas sa sweldo ng manggagawa, katumbas ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Ngunit gaya rin ng mga nagdaang panukala โ hindi ito naging isang batas. Ang dahilan; kinakailangan pa ng masusing pag-aaral sa kung paano itataas ang sahod ng sistematiko, organisado, at walang masamang epekto. Ang tanong; hanggang kailan kaya matatapos ang pag-aaral na ito?
Isang datos mula sa IBON Foundation noong 2024 ang nagpapatunay na kulang ang nakaturan na minimum wage sa mga gastusin sa pagkain, kuryente, tubig, renta, at kinakailangan na halaga sa pangangalaga ng kalusugan. Sumasalungat ito sa pahayg ng National Economic Development Authority (NEDA), na naabot ng gobyerno ang inflation target noong 2024, dagdag pa ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, naging matagumpay ang hakbang na kanilang ginawa upang pababain ang presyo ng bilihin. Sinuportahan pa nila ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang ipinagmamalaking pagtaas sa gross domestic product o iyong mga produktong gawa ng ating ekonomiya. Ngunit paano kung ang pag-usad ng ating ekonomiya, ay hindi katumbas ng pantay at patas na pamumuhay ng mga uring manggagawa?
Sa pananaliksik ng World Citi Colleges ukol sa isyu na ito, halos 17% ng kabuoang pambansang kita ay napa-pasakamay lagi ng mga kapitalista, politiko, at asyendero na katumbas lamang ng 1% sa bilang ng populasyon. Habang 14% lamang ang napupunta sa mga manggagawa na binubuo ang kulang-kulang 50% sa bilang ng populasyon. Harap-harapang bulok na sistema at proseso. Paanong ang taong inilalaan sa pagsasaliksik sa paghahanap ng nararapat na solusyon ay magreresulta lamang sa hindi pantay-pantay na alokasyon ng kaban ng bayan? Na nagiging dahilan, kung bakit hindi pa rin maitaas ang sahod ng mga uring manggagawa.
Mula sa Social Science Organization, humihingi tayo ng pantay at patas na sistema; kung saan hindi kapalit ng kakarampot na pag-taas ng sahod ang patong-patong na pagtaas ng buwis at mga bilihin.
Tandaan natin:
๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐จ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ก๐๐ฎ๐๐๐ค
๐๐๐ฃ๐๐ ๐ง๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐จ๐ช๐๐จ๐๐๐๐ฎ๐
๐๐๐ฃ๐๐ ๐ง๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ฃ๐๐จ๐ ๐ก๐๐ฎ๐ก๐๐ฎ๐๐ฃ
๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐, ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐ ๐ง๐๐ฃ ๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐จ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐โ
๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐จ๐ฌ๐๐ก๐๐ค
๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค.
Patuloy ang kanilang pag-tindig, para sa hindi naririnig na tinig.
Mga Sanggunian:
โLabCom susi sa paglutas sa problema sa sahod ng mga manggagawa.โ Journal News, 7 May 2025, https://journalnews.com.ph/labcom-susi-sa-paglutas-sa-problema-sa-sahod-ng-mga-manggagawa/.
Perez, Charles Edmon. โTumataas na presyo, bumababang sahod.โ Pinoy Weekly, 8 Feb. 2025, https://pinoyweekly.org/2025/02/tumataas-na-presyo-bumababang-sahod?/.