10/05/2026
"𝐏𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨"
- 𝐌𝐚𝐦𝐚
Katagang palaging naririnig at masakit kapag hindi na marinig. Ngayong ika-10 ng Mayo, ang 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐳𝐮𝐞𝐥𝐚 - 𝐑𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐒𝐜𝐨𝐮𝐭 ay buong pusong nagbibigay pugay sa mga
𝑰𝒏𝒂; 𝒃𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂, 𝒕𝒊𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂, 𝒍𝒐𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂, 𝒌𝒖𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂, 𝒕𝒊𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂, 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒎𝒂 𝒎𝒂𝒎𝒂. Dahil walang katumbas na kahit anong materyal ang pagmamahal na kanilang binigay at patuloy na ibinibigay sa ating lahat, mula noon hanggang ngayon.
Sa patuloy na'ting pag-abot sa ating mga pangarap, sila ay nasa unahan upang tayo'y gabayan patungo sa tamang landas. Kaya sa kanilang araw, buong puso na'tin silang paulanan ng matatamis na halik at pasasalamat sa mga sakripisyong kanilang ginawa upang tayo'y magpatuloy na mangarap.
Mula sa aming puso hanggang sa mga bahay niyo, 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐌𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐃𝐚𝐲 sa lahat ng Nanay, nagpakananay at handang tumayong nanay sa lahat.
✍️ Caption By: RS. Chezka Luise Rodrigo | Asst. PIO: Creatives Committee
🎨 Pubmat By: RS. Zarmin del Castillo |Asst PIO: Technical Committee