10/08/2026
β οΈ SAFETY ADVISORY | VTGC β οΈ
Dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon, mahigpit nating ipinag-utos sa lahat ng Chapter Grand Triskelions' na alamin at regular na i-monitor ang kalagayan ng bawat chapter resident/member at kanilang mga pamilya upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa gitna ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at bugso ng hangin.
Partikular na hinihikayat ang mga chapters na nasa flood-prone areas na maging mas alerto, magsagawa ng kinakailangang pag-iingat, at agad na i-report ang anumang emergency o sitwasyong nangangailangan ng tulong.
π¨ PARA SA EMERGENCY AT RESCUE ASSISTANCE
Para sa anumang kinakailangang tulong, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng rescue o emergency response, maaaring makipag-ugnayan sa mga kaukulang emergency hotlines sa inyong lugar.
Maaari ring direktang makipag-ugnayan sa VTGC Council Officers, na patuloy na bukas ang linya upang tumugon at magbigay ng kinakailangang assistance sa ating mga kapatid at kanilang pamilya.
Sa panahong ito, unahin natin ang kaligtasan, pagkakaisa, at pagtutulungan. Patuloy nating kumustahin ang ating mga kapatid at huwag mag-atubiling humingi ng tulong kung kinakailangan.
Mag-ingat po tayong lahat. Manatiling alerto, ligtas, at handang tumulong sa isa't isa.